Nang bumalik ako sa opisina ay siya ring sunod na dating ni Tyler. Nanatili akong walang kibo kahit sobrang hindi na ako komportable na nasa iisa kaming lugar. Na kahit gustuhin ko mang umuwi na sa bahay ngayon ay ayaw ko namang isipin niya na masyado akong ma-drama, na masyado kong binigyan ng kahulugan ang mga ipinakita niya sa akin sa mga nakaraang araw, na masyado akong nag-assume sa mga bagay-bagay. Alam kong nagmumukha na akong tanga sa kanya, sobra nang kahihiyan ang nagawa ko para sa sarili ko, kaya ayaw ko nang dagdagan pa 'yon. Baka ay wala na talaga akong mukhang maiharap pa sa kanya kapag nagkataon. Paano nga ba kasi ako makakaalis sa buhay niya? Paano nga ba ako makakabalik sa dati kong buhay, 'yong wala siya, 'yong hindi ko siya nakakasama at hindi nararamdaman ang presensy

