Halos 'di ko magawang hindi sila tignan ng masama. So, kaya ba siya lumabas ay para makipag-usap sa iba? Samantalang sa akin kanina ay halos itaboy niya ako at hindi kausapin? Sa isiping 'yon ay lalong nag-alab ang mga mata ko sa galit. Hindi ko alam, pero ito ang nararamdaman ko sa tuwing may kasama siyang iba, kapag may kinakausap siyang iba. This scene changed my mood. Wala na akong gana pa para yayain siyang mag-dinner date ngayon. I already lost my appetite. Kung may nararamdaman ako ngayon 'yon ay galit at inis habang tinitignan silang masaya. It's just that, I can't accept the fact that she's talking to other people like that, smiling and laughing, while at me, parang halos sabihin niya kanina ay tigilan ko siya. "You're insane, Leon!" she said while laughing. May paghampas pa siy

