Balak ko lang sanang manahimik at huwag pansinin ang pag-uusapan nila. Sa isang tabi lang dapat ako at hindi makikisali sa kanilang dalawa dahil ayaw ko namang makipag-plastikan sa lalaking 'to, pero si dad naman ay talaga namang inumpisahan pa niya! "By the way, ahmm, I want you to meet my unica hija, Mr. Sevilla," masayang pagpapakilala ni dad sa akin sa kanya na siyang ikinasulyap sa akin ni Tyler. Wow! Kanina lang ay hindi niya ako binalingan ng tingin. Para nga lang akong hangin sa kanya kanina. Ano 'yon? Kunware wala ako rito? Pero, maganda nga siguro ang gano'n para hindi rin nag-aalboroto ang puso ko gaya ng nararamdaman ko ngayon. The hell! Why my heart is beating so fast? Hindi naman ako tumakbo pero sobrang lakas ng t***k no'n nang tignan niya ako! "I know her, sir. Actually,

