"Kung gano'n pala ay umakyat ka na sa kwarto mo at nang makapagpahinga ka na." "Yes, daddy. But, by the way, kumain na po ba kayo at uminom ng mga vitamins ninyo?" pag-iiba ko ng usapan. Kahit naman busy ako sa mga ginagawa ko, hindi ko kinakalimutang kumustahin si dad. Gusto ko, lagi kong alam kungg maayos ba siya, kung okay ba siya nang hindi rin ako nag-aalala sa kanya. "Yes, anak. Don't worry about me, kumain na ako at nakainom na ng mga vitamins ko kanina pa. Ay teka nga, ikaw 'tong pagod na pagod sa trabaho kaya ikaw dapat ang tinatanong at kinakamusta ko, eh. How's my daughter, huh? And kayo ni Tyler, kumusta?" Oh, Tyler again. Tyler, Tyler, Tyler, kahit saan ako magpunta, he's still there. It's like, his name will forever hunting me, ayaw akong lubayan, ayaw akong patahimikin!

