1 week after . . . Isang linggo na ang nakakalipas pero ang dami nang nangyari, una ay ang daming opportunities na dumating sa akin sa trabaho nang lumabas ng hospital si dad, kaya naman I grabbed the opportunities para makakita nang malaking pera which is nakaipon na ako kahit papaano pagkatapos no'n. Pero laking gulat namin ni dad nang ibalita sa amin na hindi na raw kami paaalisin ni ni Mr. Tan dito dahil nabalik na sa amin ang title ng mansion. Ayoko sanang isipin na si Tyler ang may pakana no'n pero siya lang naman ang alam kong handang gawin 'yon. Kaya naman gusto ko siyang puntahan para kausapin tungkol doon, pero hindi para mag-thank you kung hindi para sabihin sa kanya na hindi namin kailangan ang tulong niya dahil kaya namin ni dad na mabawi 'yon nang hindi niya tinutulungan.

