Kumalabog lalo ang puso ko sa ginawa niya. Pinilit kong tumayo para maramdaman niyang nagsisisi talaga ako sa nangyari. Ramdam ko ang pangangatog ng mga binti ko, hindi yata ako makakatayo nang deretso. "S-sinubukan ko naman na ayusin—" "And you think you can? Mas lalo mo lamang sinira! Tangina talaga! You ruined all of it! Hindi na maibabalik ng sorry mo ang mga nasira mo! Kaya huwag kang magpa-awa, Heaven!" aniya sabay hablot sa braso ko. "Hindi bagay sa 'yo! You think, I will believe on what you said? For sure, ginawa mo 'yan para makaganti sa akin, am I right?" mas lalo pa niyang hinigpitan ang hawak kaya napangiwi ako lalo dahil bumabaon ang kanyang kuko sa aking balat. "A-ano ba? Nasasaktan ako, Tyler! Let me go!" I tried to get my hand on him, pero mas lalo niya akong inilalapit

