"Dad, aalis po ako maya-maya," sabi ko kay daddy nang madatnan ko siya sa sala na nagbabasa ng dyaryo. Kumunot ang noo niya. "Where you going? Wala ka namang pupuntahan, ha? At gabi talaga, anak?" That's my dad! Maaalahanin at protective pagdating sa akin. "May kikitain lamang po akong kaibigan na matagal ko nang hindi nakikita. You know, just chill out together with my friend," I theorized. He sighed. "Ok, mag-ingat ka. Magpahatid ka na lamang sa driver natin—" I cut him off. "No, dad. I can . . . I can handle myself. I'll drive alone," sabi ko. Para naman niya akong inuusisa sa mga tingin niya kaya hindi ko hinayaan na may mapansin siyang kahina-hinala. "If that's what you want," sabay balik ng tingin niya sa binabasa. At least, hindi siya mag-iisip ng kung ano. Mukhang kumbinsido

