Chapter 11

1715 Words
"H-Heaven! H-hindi! —Tulong, pakiusap!" Taranta ang sigaw ni Tyler habang nakasuporta siya sa likod ko at tinatakpan pa niya ng kanyang kamay ang umaagos sa aking balikat, natamaan pala talaga ako ng ligaw na bala ng baril ng dahil sa lalaki kanina. But despite what I did to him, still, I felt that he's still worried about me. Ang boses niya, ang mukha niya, kung paano siya mag-alala para sa akin ay nakakataba ng puso. Kung maaari ko lamang talagang ibalik ang oras, hindi sana siya nasa ganitong sitwasyon ngayon, hindi sana siya nahihirapan at nagdurusa sa loob ng seldang 'to. I'm sorry, Tyler, gusto ko 'yong sabihin sa kanya saka sabay na yakapin siya ngunit natatakot ako na baka kapag ginawa ko naman 'yon ay itulak niya lamang ako palayo. I'm scared, I was afraid he would reject me. Kaya tanging tingin na lamang at lihim na pag-aalala ang magagawa ko para sa kanya. "P-Please, don't close your eyes, mahal." Hindi ko alam kung nagh-hallucinate na lamang ako ng dahil sa nangyari, ngunit tama ba ako ng dinig? Tinawag niya pa rin akong mahal? Is it mean that he's still love me despite all the bad things that I did to him? I can't believe this! Ngayon ko mas napatunayang hindi niya talaga deserve ang isang tulad ko dahil alam kong may mas d-deserve pa sa akin para sa kanya. At least, kahit sa maikling panahon, naramdaman kong mahalin ng isang tulad niya, na puwede rin pala akong alagaan na parang isang babasagin na gamit gaya ng trato niya sa akin nang mga panahong magkasama pa kami. Ngunit ngayon, tuluyan nang wala ang mga 'yon. Kumbaga sa libro, we're already done with that chapter, and that's our ending, a bad ending for the both of us. Bago ako mawalan ng malay, naramdaman ko na lamang na naka-angat na ako sa ere. Hindi ko na rin maintindihan pa ang mga sinasabi ni Tyler sa akin dahil wala na ako sa kondisyon para maintindihan pa kung ano ang mga 'yon. Basta ang alam ko, sobra ang alala niya sa akin ng dahil sa nangyari. Tyler's POV Nang makita siyang duguan, lahat ng galit na meron ako sa kanya ay unti-unting naglaho. Kumabog nang sobra-sobra ang dibdib ko nang makita siyang matumba at duguan ang balikat. And the first thing that I think to need to do is walk towards her, na siyang ginawa ko. Nang hawakan ko siya ay halos nawawalan na siya ng malay. Ang gulo at ang ingay ng sa paligid namin ay nawala na sa aking isip dahil nang mga oras na 'yon ay siya lang at ang kaligtasan niya ang nasa utak ko. I want to carry her and run to the hospital para magamot siya, ngunit alam kong malayo ko 'yong magawa dahil hindi ako makakalabas sa selda na 'to. Kaya naman sa halip na tumunganga, tinawag ko ang atensyon ng mga pulis na nasa paligid namin. "Tulong, pakiusap!" Naninikip ang aking dibdib at gusto kong sumigaw sa sakit. Gusto ko ring sugurin 'yong taong nagwawala kanina! f**k! Hindi ko man lang siya naprotektahan! Sinabi ko noon sa sarili ko na hindi ko siya hahayaang masaktan. At hindi ko naman 'yon matanggap dahil sinaktan na niya ako't lahat-lahat ay sobra pa rin ang alala ko para sa kanya! Na kahit ginanito niya ako ay puspusan pa rin ang pagmamahal ko sa kanya! Dahil sa kabila ng lahat ng mga nagawa niyang kamalian sa akin, I still love her, and I'm wishing that I will be on her side until the end, kahit pa napakalabong mangyari no'n, umaasa pa rin ako dahil mahal na mahal ko talaga siya na umabot na sa puntong ayaw ko na siyang bitawan, na ayaw ko na siyang pakawalan, na ayaw ko siyang mawala sa buhay ko dahil hindi ko kaya. She's the only one I have, kaya hindi ko kayang mawala siya sa akin. Ngunit ano'ng magagawa ko? She don't want me to be in her life! I can't accept the fact that I loved her but she just throw me away in just one snap. Nang buhatin na siya ng mga pulis para dalhin na sa hospital, wala akong ibang nagawa kung hindi lamang ang tignan siya. Kahit gustong-gusto ko siya takbuhin at samahan hanggang doon para lang din malaman ko kung ano ang magiging lagay niya ay hindi ko magawa dahil hindi man lang ako makalabas sa lintik na selda na 'to! Pagkatapos ng mga nangyari, ibinalik muli kami sa loob ng kulungan. Ngunit ang isip ko ay naka-pokus lang sa isang tao, sa kanya. Iniisip ko kung ano na kayang nangyari sa kanya, kung kumusta ba ang kalagayan niya, kung ayos lang ba siya, o ano. Masisiran yata ako ng bait kapag hindi ko nalaman kung ano ang kalagayan niya ng dahil sa nangyari sa kanya. I want to know if she's ok, if she's safe or fine now. I really want to know! Hindi yata ako makakakilos nang maayos kung gumugulo siya sa isipan ko! "Sir, baka puwede po akong makatawag kahit sandali lang." tanong ko ro'n sa pulis na dumaan. "Bawal pa sa mga oras na 'to ang tumawag sa kahit na sino." maikling sabi niya saka na siya umalis. Napapadyak na lamang ako sa frustration. Wala man lang akong magawa rito! Just damn it! Damn it! Argh! Lumipas pa ang mga araw na ang tanging laman lamang ng isip ko ay si Heaven. At lagi akong umaasa na pupuntahan niyang muli ako, na dadalawin niya muli ako rito. I want to see her because I really missed her! I badly missed her so much! Habang tumatagal ako sa seldang 'to, mas lalo ko siyang hinahanap. Mas lalo akong sabik na makita siya. Tanga mang pakinggan na hinahangad ko pa rin siya, hindi ko rin maintindihan ang sarili kung bakit hindi ko magawang kalimutan siya. Na inaasam ko pa rin na sana mahagkan ko pang muli siya sa paglabas ko sa kulungan. Sa tulong ng aking kaibigan, nagp-process ngayon ang kasong iginawad sa akin. At umaasa akong makakalaya nga ako pagkatapos no'n, na mapapawalang bisa ang bagay na 'yon para makalaya na ako nang tuluyan. Dahil hindi ko rin naman kayang mabuhay dito sa selda, parang ikakamatay ko kapag nanatili pa ako rito nang matagal. Gusto ko nang bumalik sa dating normal ang buhay ko. Ngunit kasama ba sa normal na 'yon ay ang wala siya sa buhay ko? Sana nga ay gano'n nga nang hindi ako nasasaktan nang ganito kasakit ngayon. Sobra ang dinulot niyang sakit sa puso na animong nag-marka 'yon ro'n, ramdam na ramdam ko ang sakit sa bawat galaw o kilos ko. Hindi ako makalimot sa ginawa niya. Pinaratangan niya akong ginahasa ko siya kahit alam na alam niyang sa sarili niyang kailaman ay malayo ko 'yong magagawa. Hindi ko kailanman siya tatratuhin ng gano'n, gano'n ko siya nirerespeto. Ngunit ang ginawa niya ang nagdala sa akin ngayon sa kinalalagyan ko. Sobra akong binatikos ng mga tao. Nakita ko kung paano ako pandirian ng mga studyante nang damputin ako ng mga pulis. Nakita ko kung paano nila ako tignan ng masama, parang pinapatay nila ako sa mga tingin nila. At ang masakit pa ay dito nga ang naging bagsak ko, ang kulungan na siyang pumapatay sa akin sa araw-araw dahil sa sobrang kalungkutan. Marahil ay ito ang kinalabasan ng malaking tiwala ko sa kanya, na dahil mahal na mahal ko siya kung kaya't masyado akong naging kampante sa kanya na hindi ko kailanman naisip na kaya niyang gawin ang gano'ng bagay. Hindi ko lahat 'yon inaasahan kay Heaven. Hindi ko naisip na kaya niya akong ilagay sa gano'ng sitwasyon. Na kaya niya akong bitawan na parang walang namagitan sa amin. Ako lamang ang naawa sa sarili ko dahil ibinigay ko lang naman ang puso ko sa kanya ngunit inabuso niya 'yon, nantapak siya ng ibang tao, inaragabyado niya ang iba at walang iba kung hindi ako. Hindi ko alam ngayon kung paano ko itataas ang sarili, parang hindi ko na nga alam kung saan ako magsisimula. Babang-baba na ako sa sarili ko. Nawalan na ako bigla ng pag-asa sa buhay dahil ang kaisa-isang inaasahan kong magiging pag-asa ko ay tinalikuran din ako. Kaya ngayon, naisip ko, tama nga ba na minahal ko siya? Tama ba na siya ang inalayan ko ng pagmamahal ko? Napapaisip ba ako? O nagsisisi ba ako na hinayaan ko ang sarili ko na pumasok sa buhay niya? Ano ang napala ko sa kanya, pighati at kirot lamang ang iniwan niya sa aking puso. Hindi ko yata makakalimutan ang ginawa niya sa akin. Tumatak na 'yon nang sobra sa isipan at puso ko. Ibinalita sa akin ng kaibigan na malapit na akong makalabas. Sobra ang saya ko nang malaman 'yon dahil makakalaya na rin ako sawakas. Ngunit inaasahan ko na sa paglabas ko ay siya ring kalimot ko sa kung ano ang dahilan kung bakit ako nalagay sa gano'ng sitwasyon. Ngunit nais ko man yatang kalimutan ang ginawa niya, o siya mismo ay hindi ko magagawa dahil sa sobrang pagmamahal na meron ako sa kanya, umabot na sa puntong parang hindi na ako makakatingin pa sa iba dahil siya lamang ang nag-iisang babae na gusto kong mahalin. Pero, hindi! Pipigilan ko ang sarili ko para sa kanya! Kailangan kong burahin ang pagmamahal na meron ako para kay Heaven simula ngayon. Because she doesn't deserve my love! Ang gusto kong maramdaman ngayon para sa kanya ay galit at pagkamuhi. Gusto kong baguhin ang sarili ko ngayon. Gusto kong itapon na ang dating ako. Na gagawin ko ito para sa akin nang hindi na ako tapak-tapakan pa ng ibang tao! Pinapangako ko, magbabayad siya pagdating ng araw! Gaganti ako sa kanya para man lang makabawi! Bigla akong nasabik na makita siya para iparanas din sa kanya ang sakit, I want her to taste the hell of mine! Kaya hindi ko lamang siya makita, hindi lamang kami magtagpo pagdating ng panahon, kung hindi ay pagsisisihan niyang nagkrus muli ang mga landas namin dahil sisiguraduhin kong pagbabayarin niya ang mga bagay na ginawa niya sa akin hanggang sa maubos na siya at wala nang matira sa kanya! Na ang tanging magagawa na lamang niya ay ang umiyak ng dahil sa sakit, sakit na idudulot ko sa kanya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD