ANG NAKARAAN...
ARYANA POV.
Nasa school sila habang ginagawa ang formation line, habang ang lalaki ay panakaw nakaw pa ng tingin sa kanya kaya di nya maiwasang mangiti...
Matapos ngang mag tapat ito ng nararamdaman sa kanya nung mga nakaraang araw ay sinagot na ito, kahit di sya sigurado sa sarili.
"Baby oh, heto sayo.."
Anya pedro, pero tiningnan pa ang dala nitong pagkain.
Nasa katapat na kainan sila ng school kung saan nililibre sya nang lalaki at heto nga't naglalagay na ng pagkain sa kanyang plato.
"Pedro, kasi..
kunti lang di kasi ako masyadong kumakain ng kanin, alam mo na.. diet."
Anya, at ngumiti pa rito ng bahagya.
Di naman sya nag iinarti pero dahil sa nakasanayan na talaga ang di pagkain ng kanin at iba pa, ay ganito sya kung makaakto.
"Ganun ba, gusto mo umorder ako ng iba, anu ba gusto mo?"
Anya pa Pedro, na halata pang natataranta.
"H-hindi, umupo ka nalang, kakainin ko na ito para di masayang..
Pero atleast diba alam mo na yung ibang diko kakainin?"
Anya pa sa lalaki, at tumango naman ito sa kanya.
Bigla pang hinimas ng lalaki ang pisngi nya saka aaktong hahalikan sya ngunit bigla syang umiwas..
"W-wag naman dito Pedro. Estudyante parin tayo, remember?"
"Sorry, nadadala lang ako.
Hanggang ngayon kasi di parin ako makapaniwala na girlfriend na kita."
Proud pang sabi ng lalaki.
Samantala sya ay di parin mapakali sa upuan at naaasiwa dahil di parin siguro sya sanay, at ito rin ang unang lalaking sinagot nya na sa isip ay susubukan lang ang sinasabi ng iba kung paano makipag relasyon..
Bigla namang dumating ang mga kaklasi nilang lalaki at babai sa kainan habang tinitingnan silang dalawa..
"Wow, nandito pala Miss Hendas at kasama ang nerd na si Pedro!"
Anang kaklasi nilang si troy, kilala itong siga sa batch nila.
Nang marinig pa nyang may binubulong ang mga kasamahan nito...
"Ah, so boyfriend mo pala si weirdo, Miss Hendas?"
Dagdag pa nito, ng biglang tatayo si Pedro pero pinisil nya ang kamay nito saka ngumiti.
"Paano ka nyan ipagtatanggol my love aryana kung mas malambot pa sya sayo?"
Anya naman Lester, na alam nyang may gusto rin ito sa kanya nuon pa man, kaso isa ring natotorpe.
"Baka kasi mas type ni Miss Aryana ang tipo ni Pedro.. Virgin."
Anya Katherine, na ikinatayo na nya saka ito hinila sa buhok at isubsob sa lamesa.
"Kaya ko pang tanggapin ang pang iinsulto ng mga kalalakihan samin, pero yung manggaling mismo sa bibig mong babai ka ang salitang yan... Nagpapatunay lang na may karanasan ka na nga sa mga lalaki mo!"
Anya na mas lalo pang isinubsob saka binitawan.
"At kayo, hindi nga kayo mga nerd pero kung makaasta kayo parang may maipagmamayabang na ah!
Ikaw Lester, dibah patay na patay ka sakin?
Ikaw troy! Mayabang ka lang naman eh, wala karin naman ibubuga."
Anya pa saka ito tinalikuran at tinawag ang lalaki...
Nasa lilim na sila ng mga puno sa loob ng campus at ngayon lang nakahinga ng maluwag dahil ang pinakitang tapang kanina ay pagkukunwari lang..
"Sorry, kung ikaw pa mismo ang nagtanggol sakin."
"Hindi naman kita pinagtanggol, ayuko lang nakakarinig ng ganung mga salita sa kapwa natin istudyante, nakakawala kasi confident sa sarili yung mga ganun."
Paliwanag nya na malaki ang ngiti sa para sa lalaki.
Nang bigla nya itong halikan sa pisngi dahilan para makita nya ang pamumula nito.
"Bat namumula ka?"
Anya, habang ang lalaki ay di na makatingin...
Hanggang sa magkulitan pa silang dalawa at kilitiin sya ng lalaki dahilan para mapayakap sya rito at siilin ng halik na ikinaganti rin...
Lumipas pa nga ang mga araw na naging linggo, kapwa silang masaya ng lalaki na madalas sa labas pa sila nagkikita at paminsan ding manunuod ng sine, kakain at mamamasyal na kadalasan ang lalaki ang nagbabayad...
Sa paglipas ng linggo at naging buwan ay mas nakikilala nya ang lalaki liban sa personal nitong buhay na di na nya ikinukulit pa..
Hanggang sa malapit na ang kanilang pag-tatapos at nagsasanay na sila para dito.
Habang nagmimeryenda sila ni Pedro ay bigla namang dumating ang kuya nya..
"Aryana.."
Anya kuya leonn ng makalapit.
Tumayo naman sya at kinakabahan sa isiping makikita nito na may kasama syang lalaki at si Pedro iyon.
"Hi bro, I'm Pedro po.."
Anang lalaki na nakikipagkamayan na sa kuya nya.
Ang kuya naman ay nakakunot ang nuo habang nakatingin sa kanya na parang nagtatanong.
"Leonn.. Are you aryana's-"
Anya kuya Leonn.
"K-kaibigan ko kuya!
Si P-pedro."
Anya, na hindi pinatapos ang tinatanong ng kuya nya.
Di naman nya namamalayan na nakatingin pala sa kanya ang lalaki ng may pagtataka, habang sya ay sa kuya lang nakatuon ang pansin at pilit ang ngiti..
Dumating ang kasama nitong si Liam na humalik sa pisngi nya at nakipagkamayan naman kay Pedro.
"Liam Smith, I'm aryana's fiancee."
Pakiramdam nya na sa mga oras na ito ay may mainit na mata ang nakatitig sa kanya kaya di nya kayang tumingin dito, hanggang sa ayain na sya ng kuya Leonn upang umuwi dahil may importanti silang pupuntahan at naipaalam narin sya nito..
Hinapit pa sya sa baywang ni Liam habang na iiwan si Pedro na di man lang nya tinitingnan..
*****
Lumipas ang isang linggo at ngayon nga ay nasa kwarto sya habang pinagmamasdan lang ang cellphone nyang kanina pa umiilaw dahil sa tawag na galing kay Pedro..
Nang biglang may ingay sa labas kaya dali syang pumunta ng bintana at naruruon nga ang lalaki habang nakikipag away sa guard nila..
Wala naman ang kuya nya dahil nasa restaurant pa nito sa mga oras na'to
Kaya nagpasya syang lumabas para kausapin nalang...
"Aryana, baby?
I-ilang beses na kitang tinatawagan p-pero dika sumasagot,
may problema ba tayo?
Sabihin mo naman oh, wala dibah?"
Sunod sunod na tanong nito sa kanya habang mahigpit sya nitong niyayakap.
"Pedro kasi..
K-kailangan na nating maghiwalay."
Anya, na ikinagulat ng lalaki.
"B-baby, nag bibiro ka lang diba?
Masaya naman tayo?
S-saka sige, magbabago na ako aalisin ko na ang salamin t-tapos-"
"Pedro Hindi mo ba nakita, ikakasal ako sa iba."
Anya, habang nakikita sa mata ng lalaki ang pagsusumamo nito.
"Pero dimo naman sya mahal?
A-ako ang mahal mo dibah?"
Anang lalaki pa habang hinahawakan na sya nito sa pisngi.
"H-hindi kita mahal Pedro, S-sorry."
Anya, pero bigla pang lumuhod ang lalaki.
"Baby, hindi ako naniniwala.
Please sabihin mong nagsisinungaling ka lang kasi naramdaman ko naman eh na mahal moko habang mag kasama tayo..
Kaya please, tatanggapin ko kahit palihim lang tayo, basta wag lang tayo mag hiwalay."
Anya pa Pedro na nangnginig na ang boses nito, habang nakayakap na ito sa balakang nya.
"Umalis kana lang Pedro..
Tapos na tayo.."
Malumanay na nyang sabi dito, saka bumibitaw sa pagkakayakap ng lalaki.
Ngunit mas lalo pang hinihigpitan ng lalaki ang yakap hanggang sa may bumubusina ng kotse at bumaba ang sakay nito.
"Kuya Leonn.. Liam..?"
"Anong ginagawa mo rito sa labas, Aryana?"
Anya kuya Leonn, saka itinuon ang pansin nito sa lalaking nakayakap sa kanya.
Hinatak naman ni Liam si Pedro sa pagkakayakap sa kanya ngunit mabilis na sinunggaban ng suntok ni Pedro ito hanggang sa magkapalitan na sila.
Ang kuya naman nya ay hinahatak rin sya papasok sa loob ng bahay, habang lumilingon sya sa lalaki.
Tinatawag pa ng lalaki ang kanyang pangalan habang nakahandusay na sa kalsada...
Makalipas nga ang isang araw ay wala syang nakitang Pedro sa school nila.
Ngunit pagsapit ng ikatlo ay muli na itong pumasok.
Kinakausap parin sya nito pero ayaw na nya talagang pansinin kahit awang awa parin..
Nang oras ng uwian ay nag aabang pala ang lalaki sa may gate pero nilagpasan lang nya ito saka naman sya hinablot nito sa kamay at niyakap ng mahigpit.
"Please Aryana..
Hindi ko kayang mawala ka.."
Bulong ng lalaki.
"Tama na Pedro, pinagtitinginan na tayo.."
Anya sa lalaki, at lumayo naman ito.
Pakiramdam nya ay kasalanan nya kung bakit nasasaktan ng ganito ang lalaki.
Na kung bakit kasi dumating pa ang Liam na iyon at bigla bigla nalang magsasabi sa magulang nya magpapakasal sila..
Hanggang sa sumapit ang kanilang pagtatapos, na lahat sila ay naka uniporming pormal at halata ang galak sa mukha.
Ang kuya naman nya ay masayang tinitingnan sya habang nasa field..
Hanggang sa matapos ang programa at sabay sabay na nilang inihagis paitas ang kanilang mga sumbrero..
Nagkukuhanan sila ng larawan kasama ng kuya nya at si Liam, habang nakikita nyang papalapit sa kanya ang lalaki at walang sabi sabing hinalikan sya sa labi.
Pakiramdam nya ay napakatagal ng halik nito sa kanya habang ang dalawang lalaki sa tabi ay nakatingin lang at di makapagsalita.
Kumalas pa ang lalaki saka sya niyakap ng mahigpit..
"Mahal na mahal kita aryana, sana magkita pa tayong muli."
Hinawakan pa sya sa mag kabilang pisngi at tinitigan ng mabuti sa mata.
"Aalis na ako papuntang state, mag iingat ka nalang.."
Yun lang at hinagkan sya nitong muli..
Naiiwan naman syang tulala habang nakatingin lang sa kawalan.
Kahit pa ang pagsasalita ng kuya at ni Liam ay di na nya naririnig..
Natutulala parin sya dahil ibang iba ang lalaking humalik at tumitig ng matagal sa kanya.
Ang kulay abong mata nito ang magpapaala sa kanya kung kailan sa unang pagkakataon ay umiibig sya, ngunit ang lalaking yun ay wala na sa harapan at kailanman di na nya makikita pang muli...