ARYANA'S POV.. Kinabukasan ay nagising syang wala sa tabi ang lalaki kaya nagpasya syang bumaba, at dito ay nakita nyang nasa kusina ang mga ito habang nagluluto. Ang anak nya ay kakwentuhan ang babae na mukhang may itinuturo ito dito. Ngumiti naman ito sa kanya pati ang bata, pero di nya pinansin at yumuko lang. Yumakap sya sa likod ng lalaki habang naghihiwa ito ng gulay.. "Good morning honey." Anang lalaki, saka ito humarap sa kanya na mas lalo pa nyang niyakap. "May problema ba ang honey ko at naglalambing?" Anya pa nito sa kanya pero umiling lang sya. Naramdaman naman nya ang pagbigay ng hawak nitong kutsilyo sa babae saka naghugas ng kamay ng hindi nya ito binibitawan. Nagpaalam pa ito sa anak at sa babae na ikinainis na naman nya dahil parang naglalandian ang boses nila

