Chapter One

1895 Words
~beep beep beep~ "Nubayan! Apaka ingay! Mei-mei! Yung alarm mo!" sigaw ng ate ko sakin kahit nasa tabi ko lang siya. Yeap! Magkatabi kaming matulog ng aking ate dahil dalawa lang yung kwarto namin sa bahay. Isa kila mama at papa tapos isa naman sa aming dalawang magkapatid. "Heto na! Bumangon ka na din diyan teh! May raket pa tayong pupuntahan," sagot ko kay ate na ngayon nakatalukbong na ng kumot. Ang aga pa kasi, 5am pa lang ng madaling araw. Pinatay ko na din yung alarm ko para makapaghanda na ng agahan namin nila mama at papa. Alam ko maaga nagigising mga magulang namin para mag-ayos kasi maaga din silang pumupunta sa pwesto naming tindahan sa malapit lang din sa bahay namin. "Ay ate! Wag ka ng dapuan ng kasungitan diyan at baka mawala pa grasya natin!" sigaw ko sa kanya habang papalabas na ng kwarto. Oo nga pala! Hi sa inyo! Ako nga pala si Meira, 21 years old, bunsong anak ni Jenny (ang aking magandang mama) at Pio (ang aking makisig na papa). Yung kaninang nagsusungit, siya ang panganay kong kapatid na si Melly. Dalawang taon lang agwat naming dalawa. Heto ako ngayon sa kusina at nagpeprepare na sa aking lulutuing scrambled egg at fried rice. Madami pa namang tirang kanina kagabi. Siguro di na naman kumain sila mama at papa dahil late ng nakauwi. Haaaaay! Kailan kaya ako yayaman? Para naman maiahon ko sa hirap sila. Para din hindi na sila magtitinda o kaya naman maglalako kapag di naubos yung ibang ulam naming paninda. Ang pwesto nila mama at papa ay isang tindahan na may kainan din na maliit. Karenderia with a twist ba! Kapag madami pang tirang ulam na paninda nila at sumapit na ng alas singko ng hapon, nilalako ni papa yun para maubos at yung iba inuuwi nila para may ulam kami sa gabi. "Oh! Mei-mei, ang aga mo atang nagising?" bungad ni mama sakin dito sa kusina. Kakatapos lang ata niya maligo kasi basa-basa pa ang buhok. "Yes ma. May raket kasi kami ni ate sa Cavite kaya need maagamg gumising para maagang makaalis," sagot ko kay mama habang nagluluto. "Ganun ba? Oh siya! Mag-iingat kayo dun ha? Wag kayong makikipag-usap ng kani-kanino o kaya sasama sa kung saan," sabi ni mama sakin. "Mama naman. Ginawa mo pa kaming bata ni ate," sabi ko sa kanya habang hinahain na yung mga niluto ko sa mesa para makapag-almusal na kami. "Malamang anak, baby pa din namin kayo ng papa niyo. Tsaka alam mo naman na madami ng halang ang kaluluwa ngayon. Kayo paman din ng ate mo eh magaganda," sabi ni mama sakin. Umupo na din siya sa hapag para masimulan na ang araw niya. "Opo ma. Naririnig ko po kayo at naiintindihan ko po. Don't worry po, mag-iingat kami ni ate lagi po," sagot ko sa kanya habang niyayakap ko siya. Ganyan kami kay mama at papa na kahit dalaga na kami, malambing pa din kami sa kanila. "Oh anak! Kay aga mo atang nagising?" bungad ni papa sakin habang papasok ng kusina. Siguro may inayos siya sa labas kasi galing siya sa pinto eh. Malamang Meira! Saan ba siya dadaan? Sa bintana? "May raket po kami ni ate eh. Kain ka na po pa. Masarap yang niluto ko. The best sa lahat ng natikman mo," buong pagmamalaki kong sabi sa kanya habang tumatawa sa sarili kong joke. "Sige nga! Tikman ko nga tong luto mo na the best!" sagot sakin ni papa at umupo na din. "Hahahahaha! Makakalimutan mo ang pangalan mo pa pag natikman mo yan," biro ko kay papa. "Wow! Ang sarap nga! Napaka-alat! Hahahahaha! Ginawa mo atang seasoning ang asin Mei ah!" biro ni papa sakin pabalik. Ganito kami nila mama at papa. Kahit di kami mayaman eh masagana naman kami sa pagmamahal ng isa't isa. "Tawagin ko lang po si ate Melly. Napakatagal bumangon," sabi ko sa kanila habang sila ay nagsisimula ng kumain. Actually, lagi kaming magkakasabay kumain lalo kapag hapunan pero kapag agahan naman minsan nauuna na sila mama dahil sa bagal kumilos ng ate ko. Pumasok na ako sa kwarto ko at niyuyugyog si ate habang siya ay nakatalukbong pa din. "Ateeee Mellyyyyy! Gising na! Maaga tayong aalis at pupuntang Cavite. Sige ka! Yung anda (pera) natin mawawala kapag kukupadkupad ka pa diyan!" banta ko sa kanya. Kumilos naman na siya agad pagkarinig yun. Sa aming dalawang magkapatid, si ate talaga yung mahilig sa mga raket raket kasi same sa akin, gusto din niyang makatulong kina mama at papa. "H-heto naaaaa! Mei-meeeei! Di ko maidilat ang mata koooooo! Antok pa talaga ako!!" sigaw niya habang umupo sa kama habang nakapikit. "Ay nako ka teh! Madami ka lang muta kaya di mo maidilat yang mata mo. Hahahahaha!" natatawa kong sagot sa kanya. Oo nga pala! Di ko nasabi na yung raket na sinasabi ko is may photoshoot kaming pupuntahan. Si ate kasi kinuhang model ng isang small business na skincare. At ako? Ako ang photographer! Hahahaha! Yeap! Isa po akong freelance na photographer. Nagsimula lang talaga to sa hobby ko dati sa school nung highschool hanggang sa nadiscover ko na pwede din palang pagkakitaan. Oh diba! Yung passion ko pinagkakakitaan ko din. Same kami ni ate Melly na hobby lang talaga tong mga naging raket namin at dahil nga we love what we do, kinareer na din namin. Maganda si ate Melly. Mahaba ang buhok, balingkinitan, matangos ang ilong, matalino at may perfect smile. Kaya nga lagi siyang kinukuha ng mga cosmetic brands bilang freelance model nila eh. Mahilig din si ate mag t****k at ang niche niya sa t****k? Review ng mga cosmetics at kung ano anong skincare. Mana sa beauty ni mama si ate. Ako naman is mana kay papa. Payatot, maikli ang buhok, maganda din naman ang smile pero camera shy ako. Mas gusto ko pa yung ako ang nasa likod ng camera kaysa ako yung kinukuhanan. Ako din laging nagpipicture kay ate sa mga i********: posts niya. Pareho naming sinusuportahan ang isa't isa sa mga tinahak naming larangan. Pareho na kaming pumunta ni ate sa kusina para kumain at makapag-ayos na. Sila mama at papa naman ay kakatapos lang din kumain. "Ma, pa, ako na po magliligpit niyan. Baka late kayong makapagbukas mg tindahan. Sayang mga customer," saad ko sa kanilang dalawa. "Salamat nak! Ikaw Melly, galingan mo sa pagpose mamaya ha? Proud kami sayo," sabi ni mama kay ate habang nakangiti. "Yes mother dear. Don't worry, your daw-ter(daughter) will give her 101%. Naks! English yun ma ha!" biro ni ate kay mama habang tumatawa. "Oh siya, mauna na kami ng papa niyo at magluluto pa din ako ng ititinda natin dun," sabi ni mama samin. Hinalikan kami ni mama at papa sa pisngi bago umalis. Hay buhay! Naaawa ako kila mama at papa. Hindi naman sa ano pero dahil need namin ng pera sa pangangailangan dito sa bahay, need namin kumayod lahat. Plus, nagpapadala din kami sa lolo at lola namin sa probinsya dahil parehong nag-iisang anak sila mama at papa. Wala namang ibang tutulong sa kanila kundi kami lang din. ~ Pagkatapos naming kumain ni ate, pinauna ko na siyang maligo dahil maghuhugas pa ako ng pinggan. "Mei, sa tingin mo ba kaya na ng pera natin yung surprise natin sa anniversary nila mama at papa?" tanong ni ate sakin habang inaayos yung mga gamit namin na dadalhin. Ganun talaga nakagawian namin, inuuna muna namin ayusin ang lahat ng gamit namin bago kami maligo para wala ng maiwan. "Konti na lang ang kulang teh. Siguro nasa 10k na lang. Kaya natin yan ate para naman maranasan nila mama at papa yung bonggang celebration ng anniv nila. Imagine 25 years na silang mag-asawa. Diba nga may renew of vows pa sa mga mayayaman yun kapag umabot ng ganung anniv," sagot ko kay ate habang naghuhugas. "Oo nga. Di naman natin afford yung ganung ginagawa ng mayayaman. Makontento na lang tayo sa kung anong meron tayo. Malay mo balang-araw diba bigla tayong yayaman. Eh di mas wow pa yung maibigay natin kila mama at papa kasi deserve nila yun," sabi ni ate at pumasok na sa banyo. Sa true lang, kontento naman na kami sa buhay namin. Hindi naman kami sobrang hirap. Nakakakain naman kami ng tatlong beses sa isang araw at may kasamang meryenda at midnight pa! Oh diba? Sobra yung blessings na binibigay ni God sa amin dahil ni isa sa amin walang nagkakasakit. Okay na kami dun. ~ Pagkatapos naming mag-ayos ni ate, umalis na din kami dahil malayo pa yung byahe namin at baka matraffic pa kami. 10am ang call time dun sa pupuntahan naming shoot at ngayon 6.30am na. Ayaw din naming ma-late. Bad yun beh lalo kung nagwowork ka diba? Habang nakasakay kami ng bus papuntang PITX, naisipan kong magvideo para naman may maipost naman ako sa t****k ko. Si ate lang kasi mahilig magpost. Madalas nagpupuyat yun para makapagvideo at may maipost daw siya kinabukas. Umaabot na ng 500k+ followers si ate. Yung t****k ko naman nasa 50k pa lang. Nakukuha ko lang din yung followers ko kapag pinopost ako ni ate o kaya yung mga kuha ko. Dun kami minsan nakakakuha ng raket sa t****k. Napakalaking tulong nga ng t****k sa aming dalawang magkakapatid. Dahil din sa mga kita namin sa mga raket namin, nakakapagbigay kami kila mama at papa. ~ Nandito na kami sa venue ng shoot. Inaayos ko na yung mga gamit ko para sa shoot at si ate naman inaayusan na din ng kaibigan naming bakla na inarkila din ng brand na imomodel ni ate. "Vakla! Ang ganda mo talaga! Walang kaeffort-effort ang ganda mo!" tili ng baklang si Serene. Matalik naming kaibigan si Serene. Zoren sa umaga, Serene sa gabi. Hahahaha! Nakilala namin siya nung nasa high school pa lang kami. Sila talaga ni ate yung magbestfriend pero dahil sabit ako lagi kay ate, ayun! Nagkavibes din kami. "Mana lang ako sayo, vakla!" sagot ni ate sa kanya habang tumawa-tawa pa. "Namern! Ako kaya ang diyosa sa ating tatlo noh!" buong pagmamalaki ni Zoren este Serene na sagot. "Vakla! Wala pa ba yung mga brand owners?" bigla kong tanong sa kanilang dalawa. Nandito kasi kami sa magandang resort sa Cavite. Ang Villa Luna Resort. Isa tong tanyag na resort dito sa Cavite. Sobrang breathtaking din kasi ang scenery dito. "Nagmessage sakin na 11am pa sila makakarating dahil nagkaemergency daw. Hayaan mo na. Darating din ang mga yun," sagot ni ate sakin. "Sige ate, labas muna ako ng resort at may bibilhin lang ako. Nagutom ako sa byahe eh," paalam ko kay ate. "Sige Mei pero wag kang lalayo ha at dalhin mo ang phone mo para matawagan kita agad," sabi ni ate sakin. "Yes po. Saglit lang din ako," sagot ko sa kanya habang naglalakad na paalis. ~ Nandito ako sa labas ngayon at natutuwa ako dahil madami palang pwedeng bilhan ng pagkain dito. Siguro kanina di ko lang napansin. May nakita din akong parang maliit na talipapa na nagtitinda ng mga fresh seafoods. Siguro madami din talagang tao dito. Nung nakabili na ako ng makakain, isang rice at ulam na buttered-shrimp, napalingon ako sa isang stall. Isang lotto booth. Hindi naman ako naniniwala sa ganyan na mananalo ka ng malaking pera pero nakakacurious din. Hayaan na nga at bumalik na ako sa resort para kumain habang inaantay yung mga brand owners.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD