Kabanata 45.1 _____________________________________________________________ Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung kaya ba ni Wrum ito sapagkat wala pang tauhan si Wrum dito. Patay ang lahat ng tauhan niya dito at hindi ko alam kung kailan pa dumating ang iba pang mga tauhan ni Wrum. Patuloy pa rin kaming pinapalibutan sa mga tauhan ni Don Guillermo. Kinakabahan ako sa mga posibleng mangyari sa susunod. Hindi ko alam kung papatayin na ba kami ni Don Guillermo kagaya nang ginawa niya sa mga tauhan ni Wrum. "Ano na ang gagawin natin Wrum?" nanginginig ang aking tuhod at bumibilis ang t***k ng aking puso na tila ba sumasali sa isang karera. "Relax." tipid na sagot ni Wrum sa akin. "Walang mangyayaring masama sa iyo sa ngayon at mas lalong walang mangyayaring masama sa pamilya mo." "Silic

