Chapter 11 Ilang araw ang lumipas ngunit hindi ko pa rin makalimutan ang pakikipag-usap namin ni Mama sa cellphone ni Wrum. Ilang araw na rin akong naghihintay sa tulong ng magulang ko at sa mga kapulisan ngunit wala pa rin akong nakitang dumadating na police para e-rescue ako. Habang tumatagal ako dito ay nawawalan na rin ako nang ganang mabuhay pa. Iniisip ko na lang talaga sila Mama at Papa kaya patuloy ko pa ring pinatatag ang sarili ko. I am too down. Ngunit ang mga oras na ako ay bibigay na, kinakausap ko lang ang Diyos na baka sakaling bigyan niya pa ako nang lakas para lumaban pa. Nitong mga nakaraang araw ay wala akong ginawa dahil busy naman sa kanyang business si Wrum. Minsan ay gabi na lang kami magkikita dahil pag gising ko, aalis na siya. Iniiwan niya lang ako kay Wim. Ma

