Kabanata 37 __________________________________________________________________ "Okay ka lang ba Silic?" Iyon ang tanong sa akin ni Wim. Kahit na hindi niya pa ako tatanungin, alam niya naman sa kanyang sarili na hindi ako magiging okay since day one ko pa sa kanilang puder. Ilang araw pa ba ang bibilangin ko? At araw-araw nalang ba akong nag-aabang sa mga posibleng susurpresa sa akin. "Hindi mo na dapat pang pinoproblema pa iyang iniisip mo Silic." muling sabi sa akin ni Wim. Ibinaling ko nalang ang tingin ko kay Wim na nananatiling nakatayo sa aking harapan. Dumaan na ang ilang araw noong nandito si Don Guillermo pero hindi pa rin ako mapakali sa kanyang sinasabi sa akin. Dahil sa mga sinasabi sa akin ni Don Guillermo, hindi ko maiwasang mag-isip nang masama kina Wrum. Damn it. "Kai

