Kabanata 38 _________________________________________________________________ Napaahon na ako mula sa pool at napaupo nalang ako dito sa may upuan malapit sa gilid ng swimming pool. Kinuha ko ang juice mula sa glass table sa aking tabi at ininum ito habang pinagmasdan ko lang si Wrum na umaahon na rin mula sa pool. May mga sinasabi siya sa aking kung ano kanina. My God. Hindi ko gustong maalala na naman 'yon. Bahagyang napaupo si Wrum sa aking tabi. Kinuha din niya ang kanyang juice sa table at ininom. "I'm going back to the room now." panimula ko kay Wrum. "Magbibihis na ako." Napabaling lang ito ng tingin sa akin. "No." tipid na sagot niya lang sa akin. Sinamaan ko lang siya ng tingin. He can't control me. I am not a robot, I am a human. Napatayo na ako mula sa aking pagkakaupo at

