PALINGA-LINGA si Noah. Ang sabi ni Rob ay nandito na daw ito at naghihintay sa kanya ngunit hindi naman niya makita maski anino nito. Nang muli niyang igala ang paningin sa paligid ay may pamilyar siyang bulto na nakita. Si Kevin Carlos at tinataboy ang isang magandang babae. Lumapit siya dito noong magtagumpay itong mapaalis ang babae sa tabi nito. "That's something new, buddy. Kevin Carlos Madrigal refuses such a hottie?" kausap niya dito. Medyo matagal na rin silang magkaibigan at magkakilala ni Kevin Carlos bago pa sila parehong maging miyembro ng “The Billionaire’s Club”. At may reputasyon talaga itong matinik sa babae. Kaya nga Devil-may-care casanova ang bansag dito ng lahat. Nilingon siya nito at makikita ang gulat sa mukha nito ng makita siya. "Samaniego?" Tumayo ito at bini

