Prologue

245 Words
Kailan ba mali ang magmahal? Kailan ba hindi nararapat na umibig sa taong itinitibok ng iyong puso? Kailan mo ba pwedeng pigilin ang puso sa pag-awit sa tuwing nakikita siya? Kailan ba dapat na sumaya at hindi mag-isip ng iba maliban sa pagmamahalan niyong dalawa? Kailan pwedeng tumahimik lang at namnamin ang pagkakataong magkasama kayo habang tanging ang nangungusap niyong puso ang nagkakaintindihan? Kailan pwedeng balewalain ang sasabihin ng iba at paiiralin ang pag-ibig para sa isa't-isa? Kailan muling makikita ang pagngiti ng mga bituin kung hindi mo siya kasama? Kailan muling mararamdaman ang hanging ang ibinubulong sa'yo ay ang pag-ibig niya? Kailan kaya muling magtatagpo ang mga matang kahit sa isang saglit lang ay para ng walang katapusan? Kailan kaya iinog muli ang mundo kung ito ay matagal ng tumigil dahil sa pagkakalayo niyo? Kailan ba nagiging mali ang pagmamahal? Kailan ba nalalaman na ang tadhana ay nakaharang sa pag-iibigan niyong dalawa? Kailan ba susukatin ang dapat sana ay walang sukat niyong pagtitinginan sa isa't-isa? Kailan kaya mararamdamang muli ang pagmamahal na kahit walang namutawi sa bibig ay isinisigaw naman ng dibdib? Kailan ba kita makikitang muli kung lahat sila ay sinasabing walang puwang ang pag-ibig sa pagitan natin? Buntung-hininga ang tanging naisagot ni Uela sa iilan lamang na mga katanungang naipon at naisulat niya. More than a decade had already passed pero walang araw na hindi niya binabalikan sa isip ang nakaraan. Ang nakaraan kung saan ay naroon ang lalaking pinakamamahal. Si Xander.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD