(Breaking Up) Natasha Pov. Matapos naming sunduin si shaira sa airport, dumiretso kami sa mansyon ni tito samuel. Sa totoong ama ni shaira at ang tumayong ama kay jacob simula bata pa ito. Hindi pa rin maayos ang aking pakiramdam, naguguluhan pa rin ako sa sinabi sa akin ni noah dahil wala akong ideya kung bakit nagka-ganon bigla. Saan niya hinuhugot ang galit na nakikita ko sa kanyang mata, bakit kung magsalita siya ay para bang may ginawa akong malaking kasalanan rito. Naupo ako sa bakanteng upuan matapos naming makarating ng mansyon, nasa dining sila shaira samantalang ako ay dumiretso na sa kusina dahil hindi ko matagalan ang presensya ni noah. Hindi dahil sa naiilang at nahihiya ako. Kundi hindi ko matagalan ang panlalamig niya sa akin, maski tapunan ng tingin ay hindi na nito gi

