Natasha Pov. (Freedom and Death) Sa pamilya namin namumukod tangi talaga si brandon na medyo naiiba ang landas. Kahit madalas na humingi siya ng pera sakin, ginagamit naman niya iyon sa malinis na paraan. Hindi tulad ni inang noon, paghumihingi ito ng pera sakin ay inilalapag lamang niya iyon sa sugal, si chloe naman ay inuubos lahat pagbibili ng make up o ano mang bagay na hindi importante. Masasabi ko na pagdating doon, si bradon ang siyang kaugali ko. Kahit kapatid ko lamang siya kay inang helda ay hindi ko rin naman ito tinuring na ibang tao, kung sabagay. Halos silang lahat naman, kahit minsan kung tratuhin nila ako ay parang iba noon. Mas pinili ko na lang lunukin ang sakit, alam kong darating din ang panahon na magbabago sila. At nitong nakaraang taon nga ay tumigil na si inang s

