Chapter 1
Natasha Abuelo Pov.
Tahimik ko'ng pinapanuod ang pagsara ng panederya sa gilid ng daan, ilang linggo lang ng paalisin ako ni inang sa bahay ay eto't magsasara na ang trabaho ko.
Ang sabi ng aking amo ay may nakabili na daw sa pwesto dito, malaking halaga na iyon upang makalipat sila doon sa rizal. Pero hindi na ako makakasama roon, masyasong malayo at hindi ko matitingnan si amang.
”Pasensya na at eto lang ang maibibigay ko, paano ba naman. Yang si helda ay kinuha lahat ng sahod mo sa'kin..” tumango tango ako sa boss ko'ng babae, mabait siya. Iyong tipong tutulungan ka talaga nito sa abot ng kanyang makakaya.
”Salamat po..” ngumiti siya sa'kin, iyon na ang huling nasilayan ko'ng ngiti bago nila tuluyang lisanin ang lugar kung saan ang una ko'ng trabaho.
Napabuntong hininga ako, Alas diyes pa lang ng umaga ay napaka-init na. Isabay mo pa ang hindi kagandahang amoy sa paligid na dinaanan ko.
Sinubukan ko'ng maglakad at naisipang maghanap muli ng mapapasukan, Sa kabilang daan ay naroon ang bagong bukas na supermarket. Lumakad ako doon at agad tinungo ang cashier.
”Nananggapan po ba kayo?” nag-angat ng tingin ang babaeng may manipis na kilay, hinagod nito ang aking katawan bago muling huminto sa'king mata.
”Resume mo?”
”W-wala po akong resume..”
”Highschool graduate ka ba?” natigilan ako, hindi agad ako nakasagot dahil hindi ako nakapag-tapos ng highschool. Nais ko kasing makapagtapos ang aking mga kapatid kaya't sila ang pinag-aaral ko.
Umiling ako. ”H-hindi po..”
”Kung ganon hindi ka maaari dito, at saka wala ka pa yata sa tamang edad..” nagbaba ako ng tingin, kinse pa lang ako at bukas ako aapak ng disi-sais, ngunit eto ako at naghahanap ng trabaho imbes na nag-aaral.
Dapat sana'y graduate na ako ngayon, ngunit noong katorse ako ay doon na ako huminto sa pag-aaral dahil hindi na makakapag-trabaho si amang dahil sa pagkaka-aksidente.
Bumuga ako ng marahas na paghinga sa paglabas ko, tinahak ko muli ang may kainitan na kalsada at muling nagpatuloy sa paghahanap ng trabaho.
Ngunit sa ilang oras ko'ng paghahanap ay tila naging malas ang araw ko, hindi ako natanggap dahil gaya ng unang subok ko ay hinahanapan nila ako ng resume.
”Pabili po..” nasa gilid ako ng palengke kung saan ay bumili ako ng ice buko, ngumiti ang lalake sa'kin bago ako bigyan ng limang pisong buko.
”Nagsara na pala ang bakery?” tumango ako habang umiinom, madalas siyang bumili doon tuwing umaga. Naging suki na namin siya sa pandesal ngunit nakakalungkot lamang na hindi na ako makakapasok pa muli sa bakery.
”Naghahanap ka ng trabaho?” ibinaba ko ang walang laman na baso.
”Oo sana..”
”May alam ako, kaso nga lang. Mababa ang sweldo..”
”Talaga, saan?”
”Doon sa tindahan ng cellphone, naghahanap iyon ng tindera..” madali niyang nakuha ang interes ko, kaya halos pumayag ako at magpatulong sa kanya ng araw na'yon.
Isang store ng cellphone ang pinuntahan namin, maliit lang ngunit nasabi ng bagong boss ko na libre ang pagkain ngunit kada isang linggo ay isang libo lamang ang sahod, dipende pa iyon sa benta araw-araw.
”Ilan taon ka na ba?” nagtanong ang boss ko'ng babae, nang araw na rin 'yon ay nag-umpisa na ako dahil kailangan na nila ng magbabantay.
”Kinse po..”
”Ang bata mo pa, hindi ka ba nag-aaral?”
Umiling ako. ”Hindi na po, kailangan ko na po kasing magtrabaho..”
Bumuntong hininga siya, pansin ko ang malamlam niyang titig sa akin dahilan upang mag-iwas ako ng tingin.
”Halos kasing-edaran mo lang ang aking anak, magtatapos siya ng highschool sa fatima..”
Hindi na lamang ako umimik, alam ko'ng magandang skwelahan iyon ngunit wala ng pagkakataong 'pang makapasok ako roon. At saka pa, mas focus na ako sa trabaho ngayon at kung paano kumita ng pera para lamang may maibigay ako kay inang.
Lalo na sa mga gamot ni amang sa diabetes.
”Ito lang ang sahod mo..” mahihimigan mo ang kadismiyahan sa tinig ni inang, tumango ako. Isang linggo na ang nagdaan ng makalapit ako ng trabaho, At kahit mababa ang kita ng shop na 'yon ay binigyan pa rin ako ng aking boss na isang libo.
”Mababa po ang sweldo doon dahil libre ang pagkain at miryenda..”
”Aba't mabuti ka pa nagmimiryenda, samantalang kami dito ay wala!” napabuntong hininga ako, nais ko'ng isumbat ang pagsusugal niya. Kesa pagbili nito ng miryenda ay 'bat di na lang siya sumugal?
Ngunit hindi ko siya masagot, ayokong mapalayas na naman dito dahil lang doon. At saka may respeto ako sa kanya kahit pa na ginaganito niy ako.
”Lumipat ka ng trabaho mo, doon kay dahlia!”
"Po!” namimilog ang aking mata. ”Ayoko po!”
”Anong ayaw mo?” mataas ang boses ni mama. "Tingnan mo abby, iyong anak ni juliana, ang taas ng sweldo at nakapag-pagawa na siya ng bahay!"
”Pero inang, ayoko 'don!”
”Hindi, sundin mo ako dahil alam ko'ng kikita ka ng malaki, hindi sapat ang isang libo para sa gamot at gastusin dito sa bahay!”
Masama ang aking loob, tinalikuran ako ni inang habang unti-unting namumuo ang butil ng luha sa'king mata.
Mula sa kurtina ay hinawi iyon ni amang na lumalabas ng kwarto, lumapit ako upang hindi na siya mahirapan pagulungin ang gulong ng kanyang wheel chair.
"Bakit gising pa po kayo?” itinulak ko ang wheel chair nito sa maliit naming sala, ang barong baro namin bahay ay tila magigiba na dahil sa sobrang tagal na. Simula ng mawalan ng trabaho si amang ay hindi na nagkaroon ng pagkakataong maipagawa itong bahay.
”Pasensya na, anak..” naupo ako sa kahoy na upuan at nginitian si amang.
”Saan po kayo humihingi ng pasensya?”
”Dahil sa pagkayod mo para sa'kin, pasensya na dahil hindi kita matulungan..”
Ngumiti ako. "Ayos lang po, h'wag niyo 'pong isipin yon. Ito naman talaga ang ginagawa ng panganay..”
Bumuntong hininga si amang. ”Napaka-bait mong anak, natasha. Pasensya ka na sa inang mo kung madalas ka niyang pagalitan..”
Nagbaba ako ng tingin. ”W-wala po iyon..” masama pa rin ang loob ko kahit na iyon ang sinabi ko, ginagawa ko naman ang lahat ngunit para sa kanya ang balewala lamang iyon.
”Hindi po ako magsasawang magtrabaho, amang. Katulad po ng ginagawa niyo noon sa pamilyang 'to, mag-iipon po ako ng pera para makalakad kayong muli..”
”H'wag na, anak..”
”Gagawin ko po iyon, amang. Kaya po matulog na tayo para makapag-pahinga na kayo..”
Dinala ko sa kwarto si amang, maliit lamang ang bahay at nagkakaroon ito ng tatlong kwarto. Doon sa isa ay magkasama si inang at amang, sa kabila ay magkahiwalay ang bunsong si chloe at brandon na mga kapatid ko.
Tinulungan ko si amang na humiga, Binuksan ko ang bentilador at ako na mismo ang naglagay ng kulambo habang wala si inang.
Hindi ko alam kung saan siya pumunta, ngunit masama ang aking kutob dahil sa huli naming pag-uusap.
KINAUMAGAHAN, ay may busina ng sasakyan sa harapan ng bahay. Preparado na ang almusal na siyang niluto ko bago ako pumasok ng trabaho.
Lumabas si inang mula sa kanilang kwarto, sumilip muna siya sa bintana at laking gulat ko na may magandang ngiti akong nabungaran sa kanya.
”Halika, dito. Pasok kayo!” binuksan niya ang pintuan habang nanunuod ako sa gilid ng kusina, pumasok ang kasing edaran niyang babae at tatlong lalake na may malaking katawan.
”Maupo kayo, gagawan ko kayo ng maiinom..”
”H'wag na helda, dumaan lamang kami dito upang kunin na ang sinasabi mo..”
Hindi na naupo ang mga bisita ni inang, nilingon niya ako. Naglalakad siyang nakangiti sa'kin bago ako akbayan palapit sa mga bisita niya.
”Heto nga siya, nakapag-bihis na..”
Nilingon ko si inang, nanlalaki ang aking mata habang dinidiinan niya ang hawak sa'king balikat.
”Mabait naman itong anak ko, dahlia. Hindi sasakit ang ulo mo..”
"O sige, naibigay ko na ang pera sa'yo kagabi kaya't isasama na namin siya..”
”P-pero!” umapila ako, ngunit hindi nakinig si inang kundi siya na mismo ang humila sa'kin palabas palapit sa kanilang sinasakyan.
”Tigilan mo ang kaartehan, natasha! Hindi ka naman bababuyin doon!”
”Inang naman, ayoko sabi!”
”Bayad na sila, at sa ayaw mo man o gusto, sasama ka na at doon magtatrabaho!” tinalikuran ako ni inang, gusto ko man umalis na ay agad ng lumapit sa'kin ang mga lalake at isinakay na ako sa itim na sasakyan
Wala akong nagawa kundi maiyak ng tahimik
Naaawa ako sa sarili ko habang nakayuko, ganon na lang ba sila kasama sa'kin porket hindi nila ako totoong anak?
Oo at anak ako ni amang sa ibang babae, ngunit tinanggap ko rin naman si inang ng magsama sila ni amang. Hindi ko lang lubos maisip na magiging ganito ang kapalaran ko sa kanyang kamay.
”Hindi pa ba nakakapag-bihis yan!” mula sa pintuan ay dinig ko ang boses ng namumuno dito, hindi siya binalingan, ni tiningnan ay hindi ko ginawa.
”Ayaw niyang magbihis, ma'ma..” ang katabi ko'ng babae ang siyang sumagot, pansin ko sa mga babaeng narito ay halos kasing edad ko lamang.
Ang babata pa, ngunit sa club na namamasukan.
”Aba't walang kwenta naman pala ang heldang 'yon! Ang sabi pa niya ay magbabali siya dahil magaling daw itong anak niya!”
”Ibabalik na ba natin 'yang batang yan!” tinig ng lalake ang sumalungat, ngunit nanatili akong iwas ang tingin. Hindi nais sundin ang bagay na pinapagawa nila.
”Oo, kunin niyo ang pera kay helda, kung wala itong maibibigay ay dalhin niyo ang isa niyang anak na babae!”
Mabilis na nag-angat ang tingin ko, tumayo ako at agad lumapit kay ginang dahlia.
”H'wag po, w-wag ang kapatid ko..” tinaasan niya ako ng kilay.
”Kung ganon, bakit hindi ka pa magtrabaho at ng makinabang naman ako sa'yo!” nanginginig ang aking labi sa pigil na iyak ko'ng ginagawa. Kinagat ko iyon bago tumango.
”S-sige po..”
”Malaki ang kikitain mo at hati tayo sa pursyento, hindi ka naman sasayaw kundi sasamahan mo lang ang costumer sa kanilang lamesa!”
Napapalunok ako, ang kabang nasa aking dibdib ay patuloy na nabubuhay.
At sa huli, ay wala akong ginawa kundi magbihis ng damit na siyang ibinigay ni abby sa'kin.
Kapit-bahay ko at naging classmate rin noong grade five.
”Akalain 'mong magsasama tayo dito?” hindi ko siya iniimikan, tahimik ako habang pinapanuod itong itali ang buhok ko. ”Mataas ang sahod dito, natasha. Bongga! Hindi lang iyon, dahil marami rin gwapo!” umikot ang mata ko.
"Kahit mukha namang bangaw ang lalake ay gwapo para sa'yo, basta may pera..”
”Syempre, alam mo kasi. Sa panahon ngayon pera na ang mahalaga sa buhay ng tao, at ang perang iyan ay siyang sinasamba ko..”
”Kaya nga nagmumukha ka ng pera, dapat tawag sa'yo benchingko..”
"Grabe siya..”
Tumayo ako, wala ako sa mood dahil labag ang ginagawa ko'ng ito sa pagkatao ko. Ayoko dito ngunit wala akong choice. Hindi ko alam kung magkanong halaga ang kinuha ni inang dahil walang nabanggit si ginang helda sa'kin.
”Doon ka sa binatang nakaupo doon sa dulo, may kasama siya..”
Tumango ako, ang ingay dahil sa musikang naglalaro sa paligid. Idagdag mo pa na ang likot ng ilaw dahilan upang sumakit ang mata ko.
”Samahan na kita..” inalalayan ako ni abby palakad sa costumer na pupuntahan ko, at nang makita kung sino iyon ay halos matigilan ako sa kinatatayuan.
Siya iyong lalakeng nakita ko noong umuulan.
Siya rin iyong nagbigay ng jacket sa'kin na ngayon ay nasa akin pa.
Sino nga ba siya, nico? Noah?
Noah.
”Natasha!” bago pa lumingon ang binata sa'kin at tinawag ako muli ni ginang dahlia, lumapit siya sa'kin ng humarap ako.
”Po?”
”Doon ka sa VIP room, h'wag dito..”
Hinawakan niya ang aking kamay, hinila ako nito paalis doon. At bago pa kami tuluyang lumayo ay nilingon ko ang binata.
At doon muling nagtama ang paningin namin na maging siya ay nagtataka.
***
to be continued