Natasha Pov.
(Save by him)
Its was passed 4:oopm when noah send me back again on my shop. I cant look straight on his eyes while hes sitting in the side corner, hes having a coffee while talking to someone on his phone.
Nakukunsenya ako bigla dahil sa nangyari, this is my fault. If i could just turn down the case edi sana hindi na uminit pa ang ulo ng mga salvador. Sana ay hindi na nadamay pa ang pamilya ni noah.
Hindi ko alam na mangyayari ito, i didn't even know that family is a secret syndicate and drug dealer. Thats what noah told to me before, makapangyarihan ang mga taong iyon. Pero nagtataka na lamang ako kung bakit hindi nasindak si noah ng magharap sila.
I know monteclaro family is rich, they have a lots of property and they can control peoples life. Pero kakaiba yata ang mga salvador, mukhang wala silang sinasamba.
”Im leaving..” natinag ako ng magsalita si noah, lumapit siya sakin habang binubulsa nito ang kanyang cellphone. ”The police is already investigate about my daddys case, dont worry. Everything goes well..”
”P-pasensya na, h-hindi ko alam na aabot sa ganito..”
”We didnt know about what happen next, walang may gusto sa nangyari. Magpahinga ka na at isarado mo ng mabuti ang pinto..” tikom ang aking bibig bago tumango, he really looks concern. Ibang iba sa dating noah na nakilala ko, his eyes is full of sincerity. Hindi halatang awa ang nakikita ko kundi bukal sa loob niya ang tulungan ako.
”S-salamat sa tulong mo..”
”Wala iyon, natasha. After all i witness, lalo kitang gustong tulungan, kung pwedi lang idamay mo na ang madastra mo sa kaso..”
”Huwag noah, hindi sa ganun sana. Alam kong may pagka-improktita ang ugali niya, pero ayoko naman siyang madawit dito, lets just close the case..”
”Everything was close, natasha. If your stepmother wont stop communicating on thoose group, baka siya ang magkaproblema..”
Hindi ako nakasagot. Nagbaba ako ng tingin at napa-isip, alam kong magkakaroon naman na ng aral si inang. Hindi na siya babalik pa sa pagkakautang kung ganito na ang nangyari.
Sana na nga lang.
”And theres a posibility that you involved again here, madadamay ka na naman at ikaw uli ang babalikan nila kung sakaling magpatuloy ang madastra mo..”
”I will talk to her, ako ang bahala..”
”You always carrying all their problem..”
”Dahil anak nila ako..”
He looked away and sighed deeply, tila hindi niya nagustuhan ang isinagot ko kayat nanahimik na lamang siya.
”Mauuna na ako..”
Hindi na lamang rin ako sumagot, Sa kaisipang aalis siya ay nakakaramdam ako ng pagkabalisa. I feel not secured if he leaves, hindi ko maiwasang mag-isip ng masama na baka bumalik ang mga lalakeng iyon rito.
”Natasha..” I look up at him, he still waiting for my answer while hes starring at me.
”Mauuna na ako..”
Tumango ako.
I cant say that i want him to stay here for a hours.
Im affraid.
”Ano bang iniisip mo?” I shooked my head, trying to calm myself before took a deep breathe.
”Mag-iingat ka, balitaan mo ako kung anong lagay ng dad mo..”
”Sure..”
Nginitian ko siya ng pilit, ngunit heto siya at ni hindi pa rin kumikilos sa harapan ko.
”You can go now if you have something to do..” tumango siya bago magpamulsa.
”I will call you on time to time, hm? I just want to check you..”
Kinagat ko ang pang-ibabang labi, hindi nakasagot sa sinabi niya dahil iba ang pakiramdam ko. Maging ang puso ko ay napaka-bilis ng pagtibok, wala na sa tamang tiempo at tila nawawalan ng control.
Ang bilis bilis.
”Why are you so quite now? Hindi ako sanay.” umirap ako, pilit kong nilalaban ang nararamdaman ko lalo na ng yumuko siya sakin.
”Alangan naman maging masaya ako dahil sa nangyari, noah..”
”Yeah, so. are you feel scared? Do you want me to stay here?”
Napamaang ako at hindi nakasagot, paano niya biglang nasabi iyon? Nababasa ba niya kung anong nasa isip ko?
”H-hindi, may kailangan ka pang asikasuhin. Im okay here, kaya ko ang sarili ko..”
Mataman kung tumitig siya sakin, mukhang kinukorkula niya ang aking emosyon at pilit binabasa ang aking isip.
Nginitian ko siya upang ipakitang ayos lang. ”You can go now, Ayos lang ako..”
”Alright, Just be safe..”
Tumango ako, doon lamang din siya kumilos upang lumabas ng shop. Marahan akong naglakad upang silipin siya, nasa tapat na ito ng pinto bago niya ako lingunin. He motioned me to lock the door on his hand, tumango ako. Hindi ko na hinintay makasakay siya ng kotse at makaalis. Isinara ko na ang pinto at gaya ng sabi nito ay i-lock ko ng mabuti.
Sa sobrang tahimik ng shop at paligid ay hindi ko maiwasang malungkot. Sanay naman na ako dahil sinanay ko ang aking sarili, I teach myself to be alone. To make my own money to sustain my needs, my foods and everything. Simula ng magkasakit si amang at malumpo ay tumayo na ako sa sariling paa, nagtrabaho na ako upang may makain kami. Upang makapag-aral ang mga kapatid ko, nakuha ko pang huminto para lamang isakrapisyo ang sariling edukasyon para sa kanila.
Ngunit sa loob ng dalawang put taon ay tila wala man sa kanila lahat ng sakripisyo't pagod ko.
Napabuntong hininga ako bago maupo sa kama, nasa kwarto ako na kung saan ay mag-isa rin. Hindi ko kailanman naranasan magkaroon ng nag-aaruga sa akin, nagsisilbi at may nag-aalala.
Gaya ng mga ibang anak na may roong magulang, napaka-swerte nila kung may perpekto silang pamilya. Mapagmahal na ina, maalagang ina at suportadong mga kapatid.
I laughed suddenly at what I was thinking
Kasabay ng aking pagtawa ay siyang pag-agos ng aking luha.
Why do I feel bad when I'm used to be alone?
What's the problem with feeling lonely natasha?
You don't have to be sad and weak right now.
Bakit kailangan kong magdrama ng ganito?
”Tama na yan, natasha!” kinakausap ko na ang sarili habang pinapahid ang luhang napakawalan ko. Hindi ako dapat maging mahina, sa sitwasyon kong ito ay dapat maging matatag ako. Mas magiging malakas pa ako dahil sa pagsubok ng ibinigay sa akin.
I know everything had a reason.
And that reason is gods plan.
May plano ang diyos sakin kayat binigyan niya ako ng pagsubok, sinusubok ako upang maging matatag at palaban. Magiging maayos rin ang lahat.
_____________
Nakatulog ako sa sobrang pag-iyak, pilitin ko man kumbinsihin ang sariling okay ako ay hindi ko magawa.
Nagising na lamang ako dahil sa ingay ng mga pusa, hindi ko alam kung bakit sumakit ang ulo ko sa biglaang pagtayo.
Ang huni nila ay hindi ko nagugustuhan, tumayo ako at lumakad sa bintana. Binuksan ko iyon at sinilip kung naroon ba ang mga pusang nag-iingay.
And then i saw them on the road, may tinitingnan silang lalake na nakatayo sa hindi kalayuan.
That man is wearing a black jacket, a black pants and facemask. He was holding his phone and he look likes talking with someone.
Lumingon siya sa paligid bago tumingin sa bintana ko, dahil sa biglaang pagkataranta ay nagpanic ako at naisara ang bintana.
My hand was trembling as i looked at it, I suddenly felt fear and dread.
Sino iyon?
Bakit siya tumitingin sa bintana ko?
Naupo ako sa kama at nanatiling nakatingin sa bintana kahit na nakasara iyon. Hindi ako mapalagay at naging balisa na ako ng tuluyan.
Lalo pa akong nakaramdam ng gulat dahil biglang tumunog ang aking cellphone.
Umiilaw iyon sa sidetable at tumataas ang pangalan ng caller.
Its unknown number.
Hindi ko kilala ang numero ngunit kinuha ko iyon upang sagutin.
I answer the call without words, hinihintay kong magsalita ang nasa kabilang linya hangga sa may kumalampag sa bintana ko.
Napasigaw ako at napatayo ng wala sa oras, hindi ko alam kung ano iyon. Hindi ko alam na baka binato ng lalakeng iyon ang bintana ko at nais itong basagin upang makapasok siya.
”Sh*t natasha, anong nagyayari diyan!” bigla akong nafocus sa cellphone ng marinig ang boses ni noah, ngunit hindi ako makapagsalita. Nanginging ang labi ko at tila naduwag na ako bigla.
”Answer me natasha!”
”M-maayy ta--” tuluyan ko ng nabitawan ang cellphone ng biglang mag-brownout. Namatay ang ilaw ng kwarto at wala akong maaninag kahit ano.
Nangapa ako at binalak kong lumabas, nararamdaman ko pa rin ang panginginig ng kamay ko habang pinipihit ko ang doorknob.
Wala akong makita at hindi na ako makapag-isip ng maayos, bumaba ako sa shop at gusto kong lumabas upang makaalis sa lugar na ito.
Hindi ko na namalayang naiyak ako sa takot dahil sa nakita kong bulto ng lalakeng nakatayo sa pintuan ko ng buksan ko iyon.
Siya ang lalakeng nakatayo sa kalsada kanina, siya iyon. Ang lalakeng may kausap sa cellphone at sinisipat ang bintana ko.
”S-sino k-ka?” hindi ko alam kung paano ako nakapagsalita ng normal, ngunit hindi siya nagbigay imik. Napaatras pa ako dahil sa biglaang paghakbang niya, napaupo ako ng masabit ang paa ko sa doormat
Hindi lalo ako makakilos, nakakatitig sa akin ang lalake na nagbibigay pangamba sa akin.
At nang sandaling i-angat nito ang kamay ay lalong hindi na ako makahinga sa kaba. May baril siya.
May hawak siyang baril at nakatutok ito sa akin.
”Itaas mo ang kamay mo!” biglang tumakbo ang lalakeng nasa harapan ko dahil may mga pulis na biglang sumulpot sa gilid. Nakatakbo ang lalakeng iyon ngunit nakarinig ako ng ilang pumutok ng baril.
Mula sa pwesto ko ay tanaw kong humandusay ang strangherong lalake.
Madali itong dinaluhan ng pulisya at agarang nilagyan ng posas sa kamay.
Ang dalawang pulis ay rumesponde sa akin at nagmamadali silang tulungan akong makatayo.
”Ayos lang po ba kayo maam?” wala sa sariling tumango ako, pawisan ako ng i-upo nila ako sa gilid kung saan natatanaw ko ang pamilyar na kotseng papalapit sa shop.
Huminto iyon sa bungad at doon nagmamadaling bumaba si noah na agad nakapasok at lumapit sa akin.
”Anong nangyari dito!”
”May nahuli pong magnanakaw kanina, may nakawalang bal*w rin at tinutukan ng baril si maam..”
”WHAT!” tumaas ang boses ni noah. ”Sigurado ba kayong bal*w ang lalakeng 'yon!”
”Yes, sir. Nambiktima na ito kanina at ngayon lang namin nakita..”
”Hindi kayo sigurado, i want to confirm if that man is crazy. Baka ibang tao iyon at nais talagang saktan si natasha!”
”Okay sir, maaari kang makipag-cooperate at dumiretso mamaya sa headquarters..”
Mabibigat ang paghinga ni noah dahil sa naabutan nito, nagbaba siya ng tingin sa akin bago ako nito kausapin.
”Ayos ka lang ba, hindi ka ba nasaktan?”
”Ayos lang ako.”
”Bakit hindi mo agad ako tinawagan?”
Hindi ako nakasagot, hindi ko na naisip iyon dahil nablanko na ako kanina. Tila nawawala ako sa sarili at tanging katawan ko na lamang ang kumikilos.
”You can go with me now, hindi ka pa pwede dito hanggat hindi ko nakukumpirmang bal*w nga ang lalakeng iyon..” hinawakan niya ako sa kamay at sapilitang itinayo, binawi ko rin iyon kayat natigilan siya.
”H-hindi ako pwedeng sumama sayo, noah..”
”Kahit ngayon lang, natasha. Makinig ka, matapos ng imbestigasyon ay i-uuwi rin kita dito!”
Natahimik ako sa malakas niyang tinig, halatang galit siya at hindi mapipigilan sa desisyon nito. Lumapit siya sa mga pulis at nakipag-usap, matapos iyon ay bumalik siya sa shop at siya na mismo ang nagsara ng pintuan.
”Lets go..” he grab my right hand to lead to his car, pinagbuksan niya ako ng pinto at sapilitang ipinasok sa kanyang kotse.
Pabagsak pa nitong isinara ang pinto bago umikot upang makaupo sa driverseat.
”Hindi mo kailangan gawin ito, noah. Hindi na kailangan..”
”Don't order me for what i want to do, natasha.” natahimik ako sa sinabi niya, ayoko lang naman siyang mapahamak pa at madamay, ayoko ng maulit ang nangyari kaninang umaga. ”You're almost doomed here, and dont you think that i haven't taken any action to get out of you in this place!”
Napalunok ako.
Galit siya base sa tinig nito, tila hindi ko na siya mapipigilan kung anong gusto niyang gawin.
”By the time that i make sure everythings okay, you can go back there. But for now. you come with me first..”
Hindi na ako naka-angal pa, mabilis ang pagmamaneho nito at hinahabol niya ang police mobile patungo sa police station.
Huminto ang kotse kasabay ng pagbaba ng mga pulis, nanatili ako sa loob habang naghahanda ng lumabas si noah.
”Stay here and wait for me..”
Binagsak niya ang pinto ng lumabas ito, halatang mainit ang ulo habang umaakyat siya papasok.
Muli akong napalunok ng maramdamang nanunuyo ang aking lalamunan, hindi ko mapangalan ang nararamdaman ko ngayong kasama ko na si noah.
Kakaiba, hindi tulad kanina na halos mawala ako sa sarili at hindi makapag-isip ng maayos. Naisip ko pa bigla kung bakit pa ako lumabas kung maaari naman akong manatili sa loob ng shop, muntik pa akong mapahamak.
Kalahating oras ang ginugol ni noah sa loob bago siya lumabas at pumasok sa kotse. Magulo ang buhok niya at todo kung salubong ang kilay nito, sinisipat ko ang kanyang mukha ng lumingon siya sakin.
”Anong nangyari?”
”That man escaped to the mental hospital, the gun hes holding earlier is just a toy..”
Nakahinga ako ng maayos dahil sa narinig, ang iniisip ko kanina ay baka tauhan iyon ng mga salvador at binibiktima na ako.
Josko, salamat naman at wala sa panganib ang buhay ko.
”But you cant back on your place tonight, i have a right place for you to stay..”
”Hindi naman na siguro delikado doon, noah. Huwag mo ng abalahin pa ang sarili mo..”
”Sinong nagsabing abala ka?”
”Hindi ko sinabing abala ako sayo, Huwag mo ng gawin pa 'to..”
”Were already talk about this, sasama ka sa akin pansamantala..”
Napanguso ako sa paladesisyon niyang tinig, ang boses niya ay nagsasabi ng 'final' at kahit anong sabihin mo ay mukhang hindi mo na ito mapipigilan pa.
He start driving without taking my confirmation, hes car was too fast that we only had a few minutes to reach the famous hotel.
Nauna siyang bumaba habang nagtitipa sa kanyang cellphone, ang akala ko'y pagbubuksan niya ako ngunit lumakad siya sa gilid at doon nakipag-usap.
Napangiwi ako bago buksan ang pinto, nakita ko siyang nasa gilid habang minamasahe ang noo. Kahit hindi niya sabihin ay alam kong problema ang pinag-uusapan nila.
Binaba niya iyon bago ako lapitan, binulsa niya ang cellphone bago bumuntong hininga.
”Can we buy a drink first before we go in?”
”Inumin?” nagtaka ako, wala bang inumin sa loob?
”Walang stock ang condo ko, maglakad na muna tayo patungo sa minimart..”
”Maglakad?”
Nilingon niya ako ng umakma nga siyang maglalakad.
”Do you want me to carry you?”
”Ano?”
”Bubuhatin kita kung ayaw mong maglakad.”
”Grebe ke ha!”
Umismid ako, nag-iinit ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Bumaluktot pa ang dila ko dahil ewan ko kung bakit ako kinikilig.
”I just want to walk to make my mind flutter, stress-free if you walk while the road is cold..”
Nakatingala ito habang dinadama ang malamig na hangin, hindi ako sigarado kung anong oras na ngunit tama siya. Umaambon at malamig nga ang hangin, amoy na amoy mo ang simoy ng pasko na nagdadala ng kaonting ambon sa hangin.
”Lets go..” nauna siyang lumakad, hindi man lang ako iginaya o hinawakan. Napaka-ungentleman talaga, hindi na nga romantic wala pang kasweetan sa katawan.
Pero nagugustuhan ko itong pakikitungo niya sa akin, may kaonting pagbabago na.
Pumasok kami sa isang minimart na kung titingnan ay kumpleto naman lahat, walang gaanong tao dahil alas dos na pala ng umaga.
Medyo napahaba ang tulog ko kanina at nalaman kong hindi ako kumain buong araw. Ngayon lang kumalam ang sikmura ko habang pinagmamasdan si noah na kumukuha ng beer. Inilapag niya iyon sa counter bago tumungo sa mga ibat ibang pagkain.
Nilingon niya ako bago senyasang lumapit.
”Choose..”
Nilingon ko ang mga pagkain, they all instant noodles easy to cook. Wala man lang ibang foods maliban sa mga junkfood at mamon.
”You look pale, kumain ka man lang ba kanina?”
”Nakatulog kasi ako..” namimili ako ng aking kukunin habang ramdam ko ang pagmamasid niya sakin. Pinanatili ko ang tingin sa harapan at hindi siya nais lingunin.
”Umiyak ka?”
Nilingon ko siya, hawak ko na ang dalawang napili ko bago ako umiling.
”Hindi, bakit naman ako iiyak?”
”Namumugto ang mata mo, hwag ka ng magsinungaling..”
Nag-iwas ako ng tingin bago kagatin ang labi. "Naiyak lang ako kanina dahil akala ko mamatay na ako, lecheng bal*w na 'yon. Tinakot pa ako!”
Pansin ko ang pagtaas ng kanyang kilay, ngunit hindi na ito nagsalita pa bago kunin ang nasa kamay ko.
”May mga pagkain pa naman sa condo ko kung gusto mong magluto, I'll buy you some stock tomorrow..”
”Huh, huwag na. Uuwi rin naman ako bukas..”
Pansin ko ang pag-galaw ng panga nito, nainis yata bigla sa sinabi ko habang mariin ng nakahawak sa instant noodles.
”P-pero, p-pwede rin naman. Two days..”
”One week, natasha. This is all for your own goods..”
Inilapag niya iyon sa counter bago humugot ng card sa wallet, napapanguso ako habang tinitingnan siya. Matapos niyang i-abot ang card ay lumingon siya sakin, salubong ang kilay nito at lalong naningkit ang singkit na niyang mata.
”Wala din namang mangyayari kung susundin mo ako, kung iniisip mo ang tungkol sa kita mo. Bibigyan kita ng pera..”
”Tsk, hindi iyon ang iniisip ko noah. Nag-aalala lamang ako dahil sa nangyari kanina, sabihin mo man sa akin o hindi. Alam ko ang mga salvador ang pumasok sa bahay niyo kaninang umaga..”
”Yes, Its Salvador. Hindi naman titigil ang mga pamilyang iyan hanggat hindi sila nakakaganti, i know them. Specially their father..”
”Kung ganon, maaaring balikan nila si inang?”
”Yes, you already get the point what i need you to stay here..” hinawakan niya ang mga pinamili nito bago isuksok ang card sa bulsa niya.
Gaya kanina ay nauna siyang lumakad at iniwan ako, ngunit natigilan rin ito ng makitang umuulan ng malakas.
He sighed heavily before put down the things he was holding, naupo siya malapit sa glasswall kung saan nakikita nito ang madilim na kalsada habang niraragasa ng malakas na ulan.
Natahimik ako bago maupo sa tapat niya, nanatili siyang nakatitig sa labas habang pinagmamasdan ko ito.
Perpekto ang ilong niya, maputi ang kanyang mukha at messy ang buhok. Kulay abo ang buhok niya na lalong nagpapatingkayad sa kanyang kaputian. Mapula ang labi at may maliit na black dot siya sa gilid ng mata.
Nag-iwas ako ng tingin sa biglaang paglingon nito, hindi siya nagbigay imik kahit nahuli ako nitong nakatingin sa kanya.
Tahimik siyang kumuha ng dalawang beer sa plastick at binuksan ang isa. Muli itong nagfocus sa labas habang papalakas ng papalakas ang ulan.
Napanguso ako habang pinagmamasdan ang mga pinamili niya, mga beer lang iyon at ang akin lamang ang pagkain. Mauubos niya ba lahat ng iyan, makakapag-drive pa ba siya pauwi?
”When the rain is coming, i remember someone else..” nangunot ang noo ko sa sinabi niya.
Kumakanta ba siya?
O hindi?
Sino naman ang maaalala niya t'wing umuulan?
Lumingon ako sa daan, malakas ang ulan na halos lumalabo na ang paligid, bigla kong naalala ang unang pagkikita namin ni noah.
Umuulan noon, gaya ngayon.
Nilingon ko siya dahil bigla kong naalala ang gabing iyon, hindi ko alam kung bakit ako kinabahan. O baka, sadyang nakaka-kaba lang ang presensya ni noah.
”R-really?” iyon na lang ang isinagot ko, nauutal ako dahil bakit ko biglang naisip na naalala niya ako noon?
”I don't know why i'm seeing her in my dreams, maybe is that true. Nakalimutan ko na lamang siguro..”
Napalunok ako sa sinabi niya, lalo akong inatake ng pag-aalburoto ng lumingon siya sa akin.
Napaka-seryoso ng kanyang mata.
Hindi ko alam kung may epekto na ba ang alak na ininom niya at ganito bigla ang mga lumalabas sa bibig nito.
”Do you want to know who is that girl?”
Dalawang beses akong kumurap.
Umiiskapo na ang ulirat ko sa ibang destinasyon at hindi ko na iyon nais kumpirmahin pa.
Baka humilata na lang ako bigla sa sobrang kahibangan.
”H-ha? B-bakit ipapaalam mo pa sa'kin? Malay ko ba..” nag-iwas ako ng tingin, hindi na malabanan ang titig niya.
Pero wala na akong masabi ng tuluyan na niyang isiwalat kung sino ang babaeng iyon.
”Because it's you..”
******
to be continue