Drensill Pov....
Mula ng malaman kung crush ako ni kris high school palang kame noon ay hindi kuna alam kung ano ang mararamdaman ko. Medyo nalito ako sa nararamdaman ko natutuwa ako dahil crush nya ako pero paano dahil pareho kaming lalaki. Kaya dinaan kunalang sa mga biro at pang aasar sakanya ang lahat ilang taon kung dinala yon nag kunwari akung walang alam. Subra akung nalungkot ng malaman kung sa manila na ako mag aaral ng college at hindi dito sa isla hindi kuna makakasama si kris.
Kaya naman tuwing bakasyon ay pinipilit kung umuwi para makasama sya masaya akung masulyapan sya buo na ang aking nakasyon makita kulang ang kanyang mukha. Kahit minsan ay patago kulang syang tinitingnan at kung minsan ay inaasar ko sya para lang mapansin nya ako wala akung ibang maisip para mapalapit sya sakin. Sa pag lipas ng ilang taon ay naka graduate na ako ng college pero ganon parin ang nararamdaman kusa kanya masaya ako twing nakikita o nasisilayan ko sya. Ngayon nga ay mas pinili kung dito nasa isla tumira at mag apply ng trabaho bilang isang guro para makasama lang sya basta masaya ako sa twing makakasama o makikita ko manlang ang kanyang mukha.
Hindi ako bakla pero sa twing makikita kosya ay hindi kuna naiisip kung ano ngaba ako. Mas matimbang sya sa puso ko kaysa mga babaeng naging kasintahan ko hindi ako nagulat noong malaman kung crush nya ako ng sabihin ito ni aaron samin noong gabe ng inuman namin. Ang totoo noon ay mas nagulat pa ako sa pag halik sakin ni abe dahil ni minsan ay hindi ako mag pakita ng mutibo sakanya para manligaw. Ang inaantay ko talagang makasama ng gabeng yon ay si kris balak kung mag sabe sakanya at mag tapat ng totoo kung nararamdaman tutal hindi narin naman kame bata kagaya ng dati. Pero nasira ang lahat ng mag simula ng mag kanchawan ang mga tropa at ang masaklap ay narinig ito lahat ni kris pati ang pag halik ni abe sa akin sa labe ay sigurado akung nakita nya rin.
Mga pre tropa tayo dito at hindi maganda na gawin nating katawa tawa ang kahit sino sa mga barkada natin. Lalo na si kris mabait sya sating lahat naalala nyopa dati kahit hindi namin sya kaklase natulong sya sa mga project na hindi namin magawa at ikaw abe hindi ba dati si kris ang taga gawa ng mga assignment mo. Walang ginawang masama si kris para gawin nyong matawa tawa at kung crush man nya ako oo totoo yon at matagal kunang alam yon high school palang tayo. Hindi nya alam yon na alam ko at hindi kunarin pinaalam dahil ayaw kung mailang o mag bago ang samahan namin. Kung ganon man sya straight o hindi ay wala na akung pakialam tanggap kusya kung ano sya at kung hindi nyo sya kayang tanggapin ay wala na akung magagawa don buhay nyo yan pasya nyo yan.
Pero pleas lang pakiusap wag nyo syang gawing katawa tawa at kutyain humarap muna kayo sa salamin ano naba mga narating nyosa buhay kumpara sakanya. Wag tayong mapang husga sa isang tao dahil walang taong perpikto kahit sino ay may kapintasan hindi ba pweding maging masaya nalang tayo sa barkada natin. Tapos na ang inuman na ito kung pag katapos nito ay ituturing nyopa akung kaibigan o hindi na ay ayos lamang pasinya nasa mga nasabe ko sinabe kulang ang totoo.
Nong gabe nayon ay tahimik na nag uwian ang mga barkada namin wala silang imik at umuwi nalang ang iba ay maayos na nag paalam sakin. At least nasabe kusa kanila ang totoo kung tatanggapin nila o hindi ay nahala na sila ang isa kupang ginawa ay hinanap kusi kris kung saan saan ako nag punta pero hindi ko sya nahanap. Tinanong kusa kanyang inay munit wala rin itong alam kung saan ito nag tungo sa aking pag lalakad ay nakakita ako ng bike kinuha ko ito at ginamet wala na akung paki kung kanino pa iyon basta ang dapat kung gawin ay hanapin si kris at mag paliwanag.
Pumonta rin ako sa lupa nila sa linang medyo madilim at tanging cellphone lang ang aking ilaw pero hindi ko ito pinansin. Basta ang tanging nasa isip kulang ay dapat ko syang makita agad alam kung subra syang nasaktan sa kanyang nakita at narinig ngayon nya ako mas kailangan. Munit pag dating kusa kubo ay wala sya doon agad rin akung umalis nag txt at tawag rin ako sa mga kilala ko kung nakita ba nila ito. Hanggang may nakapag sabe sakin na nakita itong nag lalakad papunta sa dagat halos paliparin ako ang dala kung bike para lang makarating agad don.
Hingal na hingal ako ng makarating sa dagat natanaw ko syang nakahiga sa dalampasigan. Lalapitan ko sana sya munit bago pa ako makakilos ay gumalaw ito at naupo alam kung umiiyak sya sumigaw rin sya ng makailang ulit. Alam kung ito ang paraan nya para gumaan ang kanyang nararamdaman gusto ko syang damayan munit alam kung hindi ito ang tamang oras. Alam kung isa ako sa dahilan kung bakit nya ito ginagawa naiisip kung umuwi nalang at antayin sya sa kanilang bahay kailangan nya ng sapat na oras para makapag isip.
Binalik ko ang bike na ginamet ko at umuwi muna sa bahay para makapag paalam kay tita. Umalis rin ako kaagad para mag tungo sa kanilang bahay naabutan ko don si tita ang inay ni kris. Kausap nito ang isang lalaki nako ang bata talagang yan humanda sya mamaya pag uwi nya dis oras ng gabe ay nagawa nyang maligo sa dagat. Drensill pasinsya kana mamaya ay pauwi narin ang batang yon ok lang po tita antayin kunalang po sya dito sa labas wag nyo nalang po sana syang pagalitan ako po kase ang may kasalanan tita pasinsya napo talaga kasalanan kupo ang lahat.
Ano ba ang pinag sasabe mong bata ka sadyang matigas lang talaga ang ulo ni kris at wala kang kasalanan don. Naupo ako sa duyan ilang minuto rin at bumohos ang ulan tatayo na sana ako para sundoin sya dahil medyo malalim narin ang gabe pero naaninag ko itong palapit nasa kanilang bahay dahan dahan lang sya alam kuna na nakita nya akung nakahiga sa duyan. Ito na ang pag kakataon kung mag paliwanag hindi ako aalis sa kanyang tabe hanggat hindi kame nag kakaayos bahala na pero ito na ang pag kakataon ko para iparamdam sakanya ang nararamdaman ko. Nalilito pa ako kung ano ngaba ito munit ayaw kunang masaktan pa sya o masaktan pa ng kahit sino.