Chapter 13

2332 Words
                 LHAICA'S POV "Seryoso Lhaica? Waah! You're kidding right!? Tell me it's a joke! Waah Lhaica!" napapasigaw na sabi ni Rhaine sa akin. Parang batang nagpapadyak siya, nang malaman niya ang nangyari kagabi. Nagtanong kasi siya kung sino ang naghatid sa kanya, hanggang sa napunta doon sa mga pinagsasabi niya sa amin kagabi. "Yeah," sabi ko sa kanya. Mas lalo siyang napatili. Pinagmamasdan ko lang siya sa ginagawa niya. Nandito kami sa Cafeteria, kaya asahan nang may mapapatingin sa gawi namin sa tuwing titili siya. Kulang na nga lang iumpog  niya ang noo niya sa mesa. "My ghad Lhaica! Wala akong mukhang maihaharap sa kanila huhuhu! Bakit kasi di mo ako pinigilan kagabi na uminom! Waah!" napapatili niyang sabi. Hays!  Still the old Rhaine I've known. Actually, I'm not in the mood to speak. I'm sleepy. Hindi ako masyadong nakatulog kagabi dahil na rin sa nangyari saamin ni Jayree. Akala ko nga makakatulog agad ako, iyon pala hindi. Hays! "Pagkarating ko, you're already drunk. Kaya hindi na kita napigilan pa," tanging sabi ko. "Ehhh but wait, did I mention a name?" kinakabahan niyang sabi. Tumango ako. "You mention me, your boyfriend, even Ethan. That's all,'' sagot ko sa kanya. "Wew! Mabuti na lang," sabi niya. Naging kalmado siya, kaya umayos na siya ng upo. Nakabusangot pa rin ang mukha niya, habang tila inaalala ang lahat na nangyari kagabi. "Hey Lhaica! Rhaine!" "Oh my god!" Agad na nagtago si Rhaine sa ilalim ng mesa, na lalo kong pinagtataka. Napatingin ako sa tumawag sa amin, si Andre. "Oh Rhaine, anong ginagawa mo diyan?" nagtatakang tanong nito kay Rhaine. Napailing na lang ako sa ginawa niya. Akala niya siguro si Ethan ang dumating. Nag angat siya nang tingin kay Andre. "A-Andre?" sabi niya. Tumingin pa siya sa paligid at umayos nang upo. Napabuntong-hininga pa siya nang wala siyang makita na kasama nito. "Hoy, ang daya niyo kahapon, iniwan niyo ako bigla," sabi ni Andre sa amin. Naghihimotok na umupo si Andre at nilapag ang pagkain niya. Tiningnan niya kaming dalawa. Naalala ko na, matapos kong makausap si ate, at makasalubong si Jayree. Dumiretso na ako sa room, ewan ko lang kay Rhaine. Nalaman ko na lang mula kay Ethan, na magkasama sila sa isang bar kaya pinuntahan ko sila. "Anong mayroon at parang may hinahanap ka Rhaine? Ay wait,  nakasalubong ko si Ethan. Magkita raw kayo sa office. May pag uusapan daw kayo," sabi ni Andre. Nakita kong saglit na natigilan si Rhaine   at napatingin sa akin. Tumango ako. May gusto din akong malaman kung sino ang lalaking tinutukoy niyang mahal niya. Maybe next time na lang. "O-okay sige, I have to go.," sabi niya at aligaga siyang tumayo at naglakad paalis. "Anong nangyayari sa kanya?" nagtatakang tanong ni Andre. Habang nakatingin kay Rhaine na papaalis. Nagkibit-balikat lang ako. Nagsimula na naman siyang magkwento about his life. Rhaine told me, na huwag akong masyadong magtiwala sa isang tao. Tumingin ako kay Andre, pwedi ko nga ba siyang pagkatiwalaan?            RHAINEZZA'S POV NAgdadalawang isip akong pumasok sa office ko. Sigurado kasing nasa loob na siya. Ehh! Nakakahiya kasi, aissh ano  ba ang gagawin ko. Well, should I pretend that I didn't remember what happen last night?  Okay ganoon na nga lang siguro. But... Waah! Aish Rhaine, this is not you. Hindi ka pweding kabahan total may alam din naman siya. Tama! Hinawakan ko ang door knob, pero muli akong bumitaw, aissh nakababaliw! "Rhaine? Are you okay?" Para akong binuhusan nang malamig na tubig, nang marinig ang familiar na boses. Gulp! Akala ko ba nasa loob na siya. "A-Ah, y-yeah, a-akala ko nasa loob ka na,"sabi ko. Iniwas ko ang tingin sa kanya. "You know, I don't have a key," sabi niya. Muntik ko nang masapo ang noo ko. I forgot. Kinuha  ko ang susi sa office ko at binuksan. Nauna akong pumasok kasunod siya. Tahimik akong naglakad papunta sa table ko at umupo sa upuan. "So? Anong pag uusapan natin?" I ask him. He grin at me with a smirk. Napalunok ako. Alam ko ang tingin niya. "Speak.." "It's about last night," sabi niya. Napaiwas ako nang tingin dahil sa mapang asar niyang tingin sa akin. "What about last night?" sabi ko habang hindi nakatingin sa kanya. "You speak to much, mabuti at di mo nabanggit ang pangalan niya," sabi niya. Yeah, mabuti na lang talaga dahil kunh hindi. Aanihin ako nang tanong ngayon. Lalo na sa pamilya namin, hays! "But, let's forget those word you said last night. Lets talk about your plan with Lhaica and Jayree," sabi niya. Agad akong napatingin sa kanya. Nagtataka akong nakatingin sa kanya. What plan? May sinabi nga ba akong ganoon? "Plan?" nagtatataka kong tanong. "Yeah plan, sabi mo sa akin kagabi mag uusap tayo ngayon tungkol doon. Kaya ano nang binabalak mo?" tanong niya. Nabuhayan ako at tila nawala ang hiya ko. I smirked. Napaisip akong mabuti, kung ano ang magandang gagawin. "I want to get them back together," sabi ko kanya. Seryoso naman siyang nakatingin sa akin. Sinabi ko sa kanya ang binabalak ko. Noong una ayaw niyang pumayag pero napapayag ko pa rin. Gusto kong bumalik sila sa dati. Tingnan ko lang kung hindi sasabog ang nararamdaman nila sa isa't isa.      Matapos naming mag usap ni Ethan. Sabay na kaming  pumasok. Akala ko nakalimutan na niya ang nangyari kagabi, pero bigla na lang niya  inasar habang papunta sa room. Tsk! Nakakabwisit talaga ito kahit kailan! Hindi ko na lang siya pinatulan pa, dahil baka Hindi ako makapagpigil at masapak ko na siya.       "Sino pala iyong tinutukoy mong mahal mo? Siya ba iyong dahilan kaya ka nagpakalasing kagabi?" Napahinto ako sa paglakad nang magsalita si Lhaica. Hindi ako makasagot sa sinabi niya. Should I tell her about Sarry? Is it the right time? Ghad! Napatingin ako sa paligid. Nasa ground pa naman kami at konte lang naglalakad medyo malayo lang rin naman sa aming dalawa. Bumaling ako sa kanya. I sighed. "You know that, I trust you. So I hope, you will keep silent if I tell you who is he," sabi ko sa kanya. Tumango siya at ngumiti. Muli akong tumingin sa paligid at lumapit kay Lhaica. "Si Sarry renz Montefalco," mahina lang ang pagkasabi ko, na alam kong maririnig niya. Tiningnan ko siya. Gulat ang nakikita ko sa mukha niya. Yeah, She know him, because Sarry is ate Jasmine's Cousin. "S-Si kuya Sarry?" nagugulat niyang sabi at hindi makapaniwalang nakatingin sa akin. I nodded. "H-How come," sambit niya. Hindi pa rin siya makapaniwala  kaya napangiti na lang ako. "Matagal na kami, almost 2 and half years. I'm his humor secret girlfriend," muli kong sabi. Speaking of Sarry, puro misscall at text niya ang nakita ko sa phone pagkagising ko. But, I dont want to talk  him. Naalala ko kasi kahapon noong tumawag ako sa kanya, na may kalaro na naman siya sa apoy ng demonyo. Tsk! I just text him, na mag usap na lang kami pagbalik niya. Para naman hindi ko siya maistorbo sa pagiging busy niya sa 'photo shoot' kamo niya. Tssss! If I know, ibang photo shot ang tinatrabaho niya. "Rhaine, bakit siya pa? Alam mo naman kung ano siya di ba?" narinig kong sabi ni Lhaica, kaya napatingin ako sa kanya. Nakikita ko ang pag aalala sa mga mata niya. Naiintindihan ko naman iyon. "Its alright Lhaica. I love him and I don't want to give up easily," sabi ko. Ngumiti ako kahit may bahid na hatid iyon sa puso ko. Hinawakan ni Lhaica ang kamay ko, pero nagulat ako ng bigla niya akong tinulak. "Wha---" "Get down!" KAsunod noon ang ingay na galing sa isang putok ng baril. Dalawang beses itong pumutok. Nakadipa kami ni Lhaica sa damuhan. "What the hell?" sambit ko. "Doon galing," sabi ni Lhaica. Napatingin ako sa tinuro niya, nakita ko ang isang taong agad tumalon at tumakbo. Dali-dali akong tumayo, kinuha ko ang phone at binigay kay Lhaica. "Tawagan mo sina Ethan, hahabulin ko iyon," sabi ko  sa kanya at agad tumakbo upang habulin ang taong iyon. Tsk! Intruder huh?          THIRD PERSON'S POV Napaayos  nang upo sina Jayree, nang marinig nila  ang dalawang magkasunod na putok ng baril. Seryoso silang napatingin sa pinanggalingan nito at nagkatinginan. "Ano iyon?" agad na sabi ni Ethan. "Di ba bawal gumamit ng baril dito, kapag alam nilang weekdays pa," nagtatakang sabi ni Ivan. Biglang tumayo si Jayree, kaya napatingin sa kanya ang kasama niya. "Lets go, tingnan natin malapit lang iyon dito," sabi ni Jayree sa kanila. Sabay silang lumabas, mayamaya ay biglang nagring  ang cellphone ni Jayree. Tiningnan niya ang caller si Rhaine. "Hel--" "J-Jayree, si Lhaica ito. Nandito ako sa ground k-kasama si Rhaine, pero hinabol ni Rhaine iyong muntik ng bumaril sa amin. Papunta sa gubat sundan niyo si Rhaine.." sabi ni Lhaica sa kanya. Matapos marinig ni Jayree ang sinabi ni Lhaica ay pinatay na niya ang tawag. Sinabihan niya sina Ethan at mabilis silang pumunta sa kinaroroonan ni Lhaica. Hindi maipaliwanag ni Jayree ang nararamdaman niya. Kinakabahan siya para kay Lhaica.    "Lhaica!" agad  nilang sigaw tatlo maliban kay Jayree na seryosong nakatingin kay Lhaica. Nakita niya na kasama nito ang bagong kakilala na si Andre. Iyong takbo niya naging lakad na, nang makalapit sila. Nakita niyang nanginginig ito. Gusto niya itong lapitan pero pinigilan niya ang sarili. "Nasaan si Rhaine.?" tanong ni Ethan kay Lhaica. "Nasa gubat siya hinabol iyong nagpatutok ng baril," sabi naman ni Lhaica. "Okay susundan namin siya. Lets go!" seryosong sabi ni Ethan. Tumakbo na sila Ethan at hindi maiwasang tumingin  si Jayree kay Lhaica. Nag aalala siya para dito. 'Tsk! Enough Jayree, you need to forget her!' sambit niya sa sarili. Tumalikod na siya dito upang sumunod kina Ethan, pero hindi pa siya nakakalayo nang marinig niya ang sigaw ni Andre. Kaya agad siyang napalingon sa mga ito. "Hey Lhaica! Wake up s**t!" nagugulat na sabi ni Andre. Nagulat siya  nang makitang wala nang  malay si Lhaica. Agad siyang lumapit sa dalawa. "What happen?" nag aalala niyang sabi. "I don't know, huling sabi niya mahapdi daw ang dibdib niya," sagot ni Andre. Agad siyang napatingin sa dibdib nito at nanlaki ang mata niya, nang makita ang kulay pink nitong damit ay unti-unting naging kulay pula. "s**t! Dalhin natin siya sa hospital," agad na sabi ni Jayree at binuhat niya ito  patakbo sa hospital ng Campus.   May hospital ang Montero Academy. Naitayo ito 2 years ago. Dito naka assign si Jaira bilang doctor, na membro ng Ladybloods. Kaya pagkarating nila sa hospital ito agad ang hinanap ni Jaytee. Natawagan niya na ito kanina habang papunta sila sa hospital. Kaya natanaw  na niya itong tumatakbo patungo sa kanila. "What happen?" agad na tanong ni Jaira sa kanya. "I don't know ate, may nagtangkang bumaril sa kanila pero hindi ko alam kung natamaan ba si Lhaica. Nakausap pa namin siya kanina, kaso bigla siyang nagkaganyan. Dumudugo na iyong dibdib niya," paliwanag ni Jayree dito. Seryosong tiningnan ni Jaira si Lhaica. Nailagay na ito sa stretcher at pinasok sa emergency room. Naiwan sila sa labas dahil hindi na sila pweding pumasok. Naiwan kami silang dalawa ni Andre. "Lhaica is sick.." Napatingin ako sa kanya, nang bigla siyang nagsalita. "What?" "I mean, I heard Lhaica suffered an injury  before. Leg injury am I right?" sabi ni Andre sa kanya. Napatango ako at umupo sa upuang nandito sa labas. "Do you think, behind her innocent face is have an hidden secret?" sabi nito. Nagtataka namang napatingin  si Jayree dito, dahil hindi niya alam kung ano bang pinupunto nito. "Jhasselle Montero. Naisip mo ba minsan, na siya ang dahilan kung bakit umiwas at lumayo saiyo si Lhaica noon o maging ngayon?" muling sabi nito. Natigilan siya sa sinabi  nito. Nagtataka siya kung paano napasok si Jhasselle sa usapan. Hindi niya ito maintindihan. "What are you trying to say?" seryoso niyang tanong dito. Bigla niyang naikuyom ang kamay niya dahil bigla na lamang itong tumawa. Sa kabila nang mga sinasabi nito kanina. Kaya hindi niya maiwasang mainis dito. "Hahaha! Chill lang bro, I'm just concern about Lhaica. She's a good and a kind person. So, dont give up on her. I want to remind you, Jealousy can killed," nakangising sabi ni Andre sa kanya. Matapos iyong sabihin ni Andre ay iniwan na siya nito. 'Jealousy can killed? Anong ibig niyang sabihin?' sambit niya sa sarili. "Jayree!" Napalingon siya bigla  sa tumawag. Nakita niya sina Rhaine na papalapit. "Anong nangyari? Nakasalubong ko si Andre, may tama raw siya sa dibdib, totoo ba?" nag aalalang tanong ni Rhaine sa kanya. Tumango lang si Jayree. "My ghad!" tanging sambit ni Rhaine. Napasapo ito sa noo, at umupo sa tabi niya. Habang naghihintay sila ay hindi mawala sa isip niya ang sinabi ni Andre. Lalo na sa sinabi nito tungkol kay Jhasselle. ' Kung si Jhasselle ang dahilan kung bakit ako iniwasan ni Lhaica. Ibig sabihin alam ni Lhaica noon pa na minahal ako ni Jhasselle,' 'Jealousy Can killed.' Hindi niya maiwasang mag alala, lalo na kay Lhaica. Nasisiguro niyang wala  naman sigurong gagawin si Jhasselle kay Lhaica. Samantala, nang makalabas si Andre sa hospital. Agad niyang kinuha ang phone at may tinawagan. "Hello Andre?" sagot nang taong tinawagan niya. "Binabalak mo ba siyang patayin " seryoso niyang sabi dito. Isang halakhak ang narinig niya mula sa kabilang linya. Naikuyom niya ang sariling kamay, habang naririnig niya ang tawa nito. "Relax Andre, I'm not going to kill her. Its just a warning, that soon I will be back," sabi nito. "Jhasselle, kung ano man ang pinaplano mo kay Lhaica. Ihinto mo na lang," pakiusap niya dito. "You can't stop me, Andre. She's my rival. Hindi ko siya papatayin kundi papahirapan siya nang paunti-unti. Don't try to stop me," seryoso ring sabi nito sa kanya. Matapos nitong sabihin iyon ay pinatayan na siya nito. Napabuntong-hininga siya. 'Then will protect her, Jhasselle' sambit niya sa sarili at muling bumalik sa loob nang hospital. Desidido na siya sa nais naisip niya. Poprotektahan niya si Lhaica, laban dito kahit ano mang mangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD