THIRD PERSON POV "Ate, bakit mo hahayaang umalis si Lhaica dito sa academy," tanong ni Marissa kay Jasmine. Bahagyang napapikit si Jasmine dahil sa tanong na iyon. Alam niya na maraming magtatanong tungkol sa gusto ni Lhaica, na hinayaan lang niya. "She need to leave here," seryosong sabi niya dito. Naramdaman niya ang nagtatanong na tingin sa kanya ni Marissa. Hindi ito naging kuntento sa sagot niya. "Alam mo, na kapag umalis siya dito, hindi na natin malalaman kung anong mangyayari sa kanya. We can't protect her outside," seryosong sabi naman ni Marissa. Tiningnan niya si Marissa. "I'm just doing this for her own good, Marissa. Kailangan niyang umalis dito," mariin niyang sabi dito. "Pero bakit Jas?" tanong naman ni Raizel. Maging ito ay naguguluhan na rin sa nangyayari. Lahat na

