JHASSELLE POV Tiningnan ko si Lhaica mula sa labas ng glass wall, nakahiga at wala paring malay. Dalawang araw na siyang walang malay, baka naman matuluyan siya niyan. "Are you enjoying watching her?" Narinig kong sabi ni Thres. Hindi na ako lumingon pa sa kanya. Tumabi siya sa akin at tumingin sa kinaroroonan ni Lhaica. "Hmmm, hindi na ako magtataka kung bakit hanggang ngayon wala pa rin siyang malay, dahil mahina ang katawan niya," sabi niya. Napatingin ako sa kanya. "What do you mean?" nagtataka kong tanong. "Lhaica is have a weak body, but have a strong personality," aniya. Muli kong tiningnan si Lhaica. Tama siya dahil maging ako nararamdaman ko ang lakas niya at kakaibang aura sa kanya. Tumalikod ako. "Aalis na muna ako, ikaw nang bahala sa kanya," sabi ko. "Akala ko

