56. Chapter FRENZY POV “Baog ang Papa ko!’ Sigaw ni Miguel at tumingin pa siya sa akin nanlilisik ang kanyang mga mata. Nakarinig kami ng malakas na busina at pagtingin namin sa harapan namin ay may malaking truck na paparating… “Bullshiiiit!” sigaw ni Miguel. Kinabig ni Miguel pa-kanan ang manibela at nagpa gewang gewang ang kotse. Napasigaw ako sa takot. Mabuti at maagap na naitabi ni Miguel ang sasakyan. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Ilang saglit akong natulala. Akala ko ay katapusan na namin. Niyakap ako ng mahigpit ni Miguel. “Sorry Love. Sorry.” Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, para kasing hindi pa bumabalik ang kaluluwa ko sa aking katawang lupa. Nakita ko na lang si Miguel na nakayuko sa manibela, bagsak balikat. “Tangina! Hindi ko na alam kung anong ginagawa

