16. Chapter FRENZY POV Hindi ko inaasahan na darating sila nanay sa bahay nila Ninong Ardy, tapos nahuli pa kami ni Miguel na naghahalikan sa sofa. Bakit kasi sa tuwing ganito ang eksena laging may dumadating? Dali-dali akong umakyat sa second floor. Nakalimutan kong nasa kwarto ni Lola Nena ang mga gamit ko doon sa ibaba. Pero ayokong bumaba ulit dahil naroon pa sila nanay. Ano bang gusto nila sa akin? Namimiss ba nila na may inaalipin, inaabuso? Pinapakinggan ko mula sa itaas kung ano ang pinag uusapan nila. Nagulat ako dahil gusto nga nila akong bawiin. Bakit? Para saan? Kaya dahil sa inis ko ay bumaba ako at nagsisisigaw. “Ayoko! Kahit anong gawin niyo ay hindi ako babalik sa inyo! Kung kailan maganda na ang buhay ko! Kay Ninong Ardy may magandang kinabukasan na naghihintay sa ak

