65. Chapter MIGUEL POV Miguel, sobrang stressed na stressed na ko. Gusto ko nang magpakalayo-layo muna. Huwag mo na kong hanapin. Wala na rin si baby. Nalaglag na siya. Sobrang sakit ng mga salitang ito na narinig ko mismo mula kay Frenzy. Ilang araw akong wala sa sarili. Puro kapalpakan an nagawa ko, hindi makapag-isip ng matino. Nakakachat ko naman si Frenzy ng dalawang buwan, matapos siyang umalis at nagpaka-layo layo. Pero sobrang dalang lang. Limang beses lang yata siya nakapagpadala ng mensahe pagkatapos ay out of reach na ang phone niya. Wala siyang sinabing eksaktong address na kinaroonan niya basta sa America. Nirespeto ko ang desisyon niya. Mainam na rin na malayo siya kina Yvonne at Yves dahil delikado ang buhay niya. “Oh c’mon, bro. Tingin mo talaga totoo lahat ng sinabi n

