4. Chapter
“Frenzyyyyyy!!!!!!!!”
Nagulantang ako sa sigaw ni Nanay mula sa kusina kaya naut balance ako mula sa silya kaya naitulak ng paa ko ang silya at natumba ito. Hindi ko na maabot ng paa ko ang silya at nakapalibot na ang tali sa aking leeg. Sobrang sikip na ng tali sa leeg ko, para akong sinasakal…. Nauubusan na ko ng hininga… Pilit kong sumigaw pero hindi ko magawa dahil hindi ko na magalaw ang aking dila. Parang lumuluwa na ang mga mata ko….
Kung kukunin mo na po ako ay patawarin Niyo po ako. —-- usal ko sa aking isip habang nakatingin sa kisame.
Pumikit ako at saktong pagpikit ko ay napigtal ang tali kaya nahulog ako. Kumalabog ako sa sahig.
“Ay putang ina naman! Ano bang pinag gagagawa mo diyan? Pumunta ka nga dito at mag hugas ka na ng plato!”
Rinig ko pa rin ang sigaw ni nanay kahit na muntik na akong mamatay at hanggang ngayon nga ay ubo pa rin ako nang ubo at hindi makahinga. Ang sakit sakit ng dibdib ko. Muntik na akong mamatay. Kahit pala gustong gusto mo na mawala sa mundo pero ang huling sandali ng hininga, gusto mo pa rin ilaban ang iyong buhay.
Simula nang araw na yun na nalaman ko ang isang bagay na tuluyang nagpabago sa lahat, na anak ako sa labas, isang bastarda, unwanted child. Isang lihim na matagal nang itinatago ng mga magulang ko. Para bang lahat ng pinaniwalaan ko ay biglang nawala, naglaho, at iniwan akong walang magawa kundi magalit. Hindi lang galit na basta galit, kundi galit na kumakain sa pagkatao ko. Gusto kong kaawaan ang sarili ko. Dumoble ang galit, poot, at sama ng loob ko sa kanila. Kung hindi naman pala nila ako gusto, sana ay hindi na lang nila ako binuhay.
Simula nang malaman ko iyon, parang nag-iba ang pagtingin ko sa mundo. Lumamig ang paligid. Malungkot at mahirap na nga ang buhay lalo pang dumilim at walang buhay. Lalong lumayo ang loob ko sa kanila. Kung ayaw nila sa akin ay ayaw ko na rin sa kanila. Ramdam ko ang layo nila ay milya-milya. Kahit nasa iisang bubong kami nakatira ramdam ko ang malamig nilang trato sa akin. Nagkaroon ng pader sa pagitan namin, at naisip ko na ang pagrerebelde.
Una kong naisip ay ang pag cutting class. Nawalan na ako ng pakialam sa eskwela. Mula nang malaman kong anak ako sa labas, parang lahat ng ginagawa ko ay walang saysay. Ang hirap magpanggap na normal ang lahat, kaya naisip ko kung bakit pa ako papasok?
Kaya heto ako ngayon, nakatambay sa likod ng eskuwelahan, kasama ang mga bago kong barkada. Sila na lang ang pumapansin sa akin. Si Jina, ang pinakamatapang sa grupo, ang unang nagyaya. Marami ang ilag sa grupo na ito lalo na kay Jina dahil siya ay leader ng grupo na tinaguriang pasaway sa paaralan. Lakas-loob kong nilapitan si Jina at ang grupo niya at sinabing gusto kong sumapi sa kanila dahil gusto kong sumaya.
“Izzy, ano pa bang ginagawa mo diyan? Tara, alis tayo,” sabi ni JIna, isang araw habang nag-aabang kami ng bell. Hindi na ako nagdalawang-isip. Walang silbi ang pumasok. Gaya ng sabi ni Tatay, bakit pa ako mag-aaral eh bobo naman daw ako.
Doon nagsimula ang pag-cutting class ko. At ngayon, ito na ang naging bagong normal ko. Tinatambayan namin ang isang maliit na kubo malapit sa likod ng eskuwela, tago mula sa mga guro at ibang estudyante. Dito, walang nagmamando, walang nagbabantay. May hawak si Jina sigarilyo, inalok niya sa akin. Sa una, nagdadalawang-isip ako, pero ano pa ba ang mawawala sa akin? Kinuha ko iyon, humithit, at bigla akong nahilo. Nagtawanan sila.
“Ano ba ito? Paano ba?tama ba tong paghithit ko? Bakit ako nauubo? Mali yata pag buga ko eh,” sabi ko.
"Pre, sanayan lang ‘yan," sabi ni Jina habang hinahampas ako sa likod. Tumawa na rin ako kahit gusto ko nang masuka. Minsan, kailangan mong magpakita ng tapang kahit pa iba na ang nararamdaman mo. Kahit na ang baho talaga ng amoy ng usok ng sigarilyo, ewan ko ba kung bakit gusto nila ito. Eh ang mahal mahal pa ng isang stick.
Nasa gitna ako ng kalokohan pero ang utak ko, parang wala sa lugar. May isang bahagi ng isip ko na nagtatanong, "Ano bang ginagawa ko dito?" Pero mabilis kong tinabunan iyon. Walang pakialam ang mga magulang ko, kaya bakit ako mag-aalala? Hindi nila ako hinahanap. Hindi nila ako tinatanong kung bakit wala ako sa klase. Parang wala na silang pakialam. Kaya, ayan, parang ako na rin ang bumitaw sa kanila. Hinahanap lang nila ako para may mag luto, mag hugas, maglinis, mag laba, in short katulong. Pinapatuloy lang yata nila ako sa bahay para may magsilbi sa kanila. Mabuti pa ang ang katulong, may bayad, ako? Pinapa-aral lang nila ako, hindi ba responsibilidad naman nila na pag aralin ako/ Kahit maaga naman akong umuwi, magagalit pa rin sila sa akin. Para na nga ako robot sa pagsunod sa lahat ng gusto nila. May puso rin ako, may sariling utak, gusto ko rin lumaya at sumaya.
Habang pilit kong hinihihitt ang sigarilyo para pakita kina Jina na belonged ako sa grupo nila ay ubo pa rin ako nang ubo at rinig ko ang matutunog nilang halakhakan.
“Ano kaya pa, Izzy? Pwede namang tumigil na,” sabi naman ni Bella, habang tumatawa ng malakas. Bakit kaya pag siya ang tumawa ng ganun ay maganda pa rin. Si Bella ang pinaka maganda at mabait sa grupo. Ang pangalan nga pala ng grupo nila ay “Gpep”. Kasapi na nga pala nila ako kaya kasama na ako sa Gpep. Apat na kami sa grupo, ngayon lang ako nagkaroon ng kaibigan. Masaya pala na marami kayong nagtatawanan, nag kukwentuhan. Nagsasabihan ng problema.
Isa pang hithit sa sigarilyo ay parang may nakita akong nagtatago sa puno. Parang nakatingin sa amin. Kinabahan ako bigla dahil baka magsumbong sa teacher namin at ipatawag kami sa guidance counselor.
“Jina, Jina!” blong ko at kinalabit si Jina.
“Bakit, Izzy?” tanong niya pero hindi ko na siya sinagot dahil namukhaan ko na kung sino ang nag tatago sa puno at nagmamanman sa amin. Si Miguel. Alam kong concerned siya sa akin at ayaw niya ng ginagawa ko pero sigurado naman akong hindi niya ako isusumbong.
“Ah wala pala.Namalik-mata lang ako. O ano, tayo na ba? Takas na tayo?” tanong ko rin. Plano kasi namin na akyatin ang pader ng school para sulitin ang cutting class namin.
“Ay hindi ko yata keri yan Jina. Baka mabali buto ko at saka magasgas binti ko. Alam mo niyo naman na alagang alaga ko legs ko, yan ang pinaka maganda sa akin,” pigil ni Bella. Hindi ko alam kung inaalala niya talaga ang makinis at maganda niyang legs o baka malamang ay natatakot siya na lumabas ng school during class hours, buti sana kung simpleng cutting class lang pero ang pag akyat ng pader para tumakas sa klase ay ibang level na ng cutting class.
“Pag naduduwag, pwede naman huwag na sumama ,look out ka na lang Bella,” sabi namin ni Marife, ang pinaka mayaman sa grupo.
Limang daan ang araw araw niyang baon. Hatid sundo pa siya ng kotse. Parehokasing OFW ang mga magulang niya at mga professional doon sa Middle East. Nakaka inggit ang mga barkada ko sa Gpep. Sabihin na natin na kulang sila sa aruga ng mga magulang kaya sila ay naging pasaway, pero ako talaga ang kaawa awa. Ganda lang siguro ang pinantay ko kay Bella pero bukod don ay wala na. Hindi ako matapang gaya ni Jina. Hindi ako kasing kinis at bait gaya ni Bella. Lalong hindi ako mayaman gaya ni Marife. Ako, kapos na sa pag mamahal ng magulang, minamaltto pa. Duwag. Mahirap. Hays… ramdam ko na naman ang sakit at hapdi sa kaibuturan ng puso ko.
Kaya nagpapasalamat ako at napabilang ako sa grupo nila Jina. Wala akong pakialam kung binansagan kaming pasaway. Ito na lang ang escape namin sa reality. Dito sa sigarilyo at pag tambay ay ramdam namin ang kalayaan at kapatiran.
Ilang linggo na rin ang lumipas at parami na nang parami ang cutting class ko. Pababa nang pababa ang grades ko. Puro sapak at sampal na naman ang inabot ko sa nanay at tatay ko. Ok lang naman. Bobo naman daw ako eh kaya pangatawanan ko na.
Hindi lang ako natutong manigarilyo kundi pati na rin ang magsugal at mag inom. Isang beses lang kami umakyat sa pader ng school para tumakas at hindi na naulit dahil ang kill joy ni Bella. Inaalala niya ang makinis niyang legs.
Pero kailangan naming lumabas ng school kung gusto naming mag inuman kaya no choice siya kundi sumama sa amin na akyatin ang pader ng school dahil ito lang ang tanging paraan para makalabas.
Sa unang pagkakataon, nakatikim ako ng alak. Lahat pala sila ay naktikim na non. Kaya ako ang pinag iinitan nila. Doon kami sa kwarto ni Marife nag inuman. Wala naman kasing tao sa bahay nila kundi ang kanyang yaya at driver. Ang nag aalaga sa kanya at tumatayong guardian ay ang Tita niya na may office work din kaya mamayang gabi pa ang dating.
Naparami na ako ng inm Kasi naman palaging sa akin ang tagay. Hilong hilo na ako kaya nag paalam na ako na uuwi na dahilmagagalit ng todo ang tatay kong lasinggero.
“Oh ayaw mo nun tagay kayo ng tatay mo para hindi siya magalit sayo,” sabi ni Jina at nagsitawanan sila. Puro sila pang aasar sa akin kaya gumanti arin ako ng asar.
“Ayaw nun padaig. Gusto niya siya lang ang hari ng tagay kaya magagalit yun sa’kin.”
Hindi na ako magpa awat pa dahil lagot talaga ako sa nanay at tatay ko. Pasuray-suray akong umuwi sa bahay hanggang sa makarating ako ng eskinita namin. Hindi ko alam kung lasing lang ako o talagang nakikita ko si Miguel na nakatayo at nakaharang sa dadaanan ko.
Tinulak ko siya para paraanin niya ako pero hinablot niya ang kamay ko at sinndal ako sa malamig na sementong pader.
Binakuran niya ako ng kanyang mga bisig at tumitig sa akin ng ubod ng talim. Pumungay pumngay pa ang mata ko para matiyak na si Miguel nga ang kaharap ko.
“Anong priblema mo MIguel, bitiwan mo ko, nahihilo na ako-”
“Ikaw ang anong problema mo? Bakit ka nag lalasing?”
“Problema? Marami akong problema kaya umalis ka na diyan. Huwag mo kong pakialamanan.”
Pilit ko siyang tinututulak pero hawak niya ang mga bisig ko ya hindi ako maka-kawala
“Izzy, paanong wala akong pakialam–”
Nanalaki ang mga mata ko, tila nawala ang espiritu ng alak sa katawan ko nang marinig ko ang sunod niyang sinabi.
“Mahal kita Izzy ayaw kong makita kang ganyan.”
ABANGAN ANG SUSUNOD NA CHAPTER