62. Chapter FRENZY POV “It’s a healthy baby girl,” sabi ni dok. Nang marinig ko ang iyak ng baby girl Roxanne Grace ko, parang napawi lahat ng paghihirap ko sa buhay, Ang lahat ng lungkot at pangungulila. Ang halos isang taon na ninakaw ni Yvonne sa akin dahil piniit niya ako sa apartment na malayo sa mga mahal ko sa buhay. “Anne. Anne!” hiyaw ko sa isip ko dahil gusto kong makita ang anak ko. Pero pag mulat ng mga mata ko, nakita ko si Yvonne nakatayo lang siya sa harap ko. Buhat buhat niya si Anne. Sobra akong nahirapan sa panganganak hindi ko alam kung nag hahallusinate lang ako o nananaginip. Bangungot yata, kasi inaangkin ni Yvonne ang baby Anne ko. “Akin na ang anak mo. Simula sa araw na ito, ako na ang mommy niya. At kami ni Miguel ang kikilalanin niyang Mommy at Daddy.”

