59. Chapter FRENZY POV “Hintayin mo ko, Izzy. Hintayin niyo ko ni baby.” Pagkatapos akong ihatid ni Miguel sa hacienda, at matapos niyang sabihin iyon, hindi ko na siya nakita pa sa mahabang panahon. Kinagabihan, isang text mula kay Miguel ang natanggap ko at ang sabi niya ay may nakalimutan daw siyang ibigay sa akin kaya balik daw ako sa garahe. Dahil number naman ni Miguel ang nag text sa akin, kaya kampante ako at tiwala, hindi na ako nag-isip ng kung ano pa man basta pumunta ako sa garage, naroon nga ang kotse niya. Kinatok ko ang bintana ng passenger’s seat. Pero nang bumukas ang pintuan ay bigla na lang akong hinablot ng isang lalaki at hinila niya ako sa loob pagkatapos nun ay tinakpan niya ang ilong ko ng panyo na may halong mabahong amoy na hindi ko maintindihan kung ano, ba

