54. Chapter FRENZY POV “Hey you young man! Panagutan mo ang anak ko!” Parang binagsakan ako ng mundo nang marinig ko ang mga salitang iyon mula kay Donya Espe. Humahagulgol si Yvonne. Buntis din ba siya? Pero kalmado lang si Miguel. Anak ng! Paano siya nagiging kalmado gaya niyan? Pinapanagot sa kanya ang ipinagbubuntis ni Yvonne. “You went to my room last typhoon ‘di ba, remember?” "Will that get you pregnant?" Ako naman ang humagulgol nang marinig ko ang palitan nila ng mga salita. Parang patalim na tumatarak sa puso ko ang mga sinabi nila. Noong kasagsagan ng bagyo ay nauna pa palang may nangyari sa kanila ni Yvonne pagkatapos ay sa akin naman siya nagpaka sawa? Nagkulong ako sa kwarto ko maghapon. Dinadalhan na lang ako ni Aya ng pagkain at kino-comfort niya rin ako. Ang sab

