42. Chapter FRENZY POV “Teaching is a noble work indeed. For sure magiging proud ang magiging mga anak natin sa mommy nila.” Tumigil si Miguel sa pagsusulat at nakatitigan kami. Grabe ang kabog ng dibdib ko. Ang titig niya ay bumaba sa aking mga labi. Natutukso ako sa kanyang mga labi. Ang mga labi na yan ang aking first kiss. Maglalapat na sana ang aming mga labi nang biglang may sumigaw sa likod ng pintuan kasabay ang dumadagundong na katok. “Senyorita! Senyorita! Pinapatawag kayo ni Donya Sevi! Si Don Ramon! Si Don Ramon!” Napatayo agad ako nang marinig ko ang ‘Don Ramon’. Ang lakas ng t***k ng puso ko. Bakit parang iba ang pakiramdam ko? HIndi kaya… Hindi kaya… Huwag naman po sana. Dalawang araw pa lang kaming magkasama. Dal-dali kong binuksan ang pinto at tumakbo ako ng matuli

