DECEMBER 17, 2017 (5:55PM) PAGBALIK ni Gia sa sementeryo, nakita niya si Vincent na nakatayo sa harap ng mausoleo niya. Nakatalikod ang lalaki mula sa kanya pero may pakiramdam siyang naramdaman nito ang pagdating niya kahit hindi ito humarap. Gaya ng madalas, lowkey na naman ang porma nito para siguro hindi makilala ng fans: gray hoodie, black pants, at dark gray athletic shoes. Siyempre, ang black cap ang kumumpleto sa "disguise" nito. "Jeremy, kaya ko na 'to," sabi ni Gia sa lalaki na hinatid siya ro'n. "Pakihintay na lang ako sa kotse mo. Gusto ko sanang makausap in private si Vincent." Tumango naman si Jeremy at marahan siyang tinapik sa balikat. "Okay. Just call me when you're done talking to him." Marahan siyang tumango. "Thank you." Ngumiti lang si Jeremy at binigyan ng mabil

