ANG LIKOT ng mga mata ni Gia habang naglilibot sa mga food stall sa lugar na 'food park' daw ang tawag. Nakakatuwa na ang dami-daming cuisine mula sa iba't ibang bansa ang puwedeng mabili sa isang lugar lang. Mukhang marami talaga ang naka-appreciate niyon dahil ang daming tao roon nang mga sandaling iyon. Naputol lang ang pagpipiyesta ng kanyang mga mata sa paligid nang may bumangga sa balikat niya. Malaking lalaki ang nakabungguan niya na hindi man lang nag-sorry. Muntik na siyang matumba kung hindi lang umalalay ang kamay ni Jeremy sa likod niya. "'You okay, Gia?" nag-aalala nitong tanong. Mula sa likod niya, umangat ang kamay nito sa kanyang balikat kaya nakaakbay na sa kanya ang lalaki. Pero magaang naman ang braso nito na parang sinisiguro lang na hindi siya matutumba sa dami ng na

