5th Chapter

2683 Words
DECEMBER 14, 2007 UMUPO si Gia sa bench at ini-stretch ang mga binti niya. Kulang ang sabihing napagod siya sa buong araw na pag-pe-perform at pag-ho-host sa Christmas party ng Section 3-1. Pagkatapos makipag-bonding sa mga kaklase, nagkaro'n pa sila ng sariling party ng barkada nila. Nag-early dinner sila sa Fambond Pizza. Nando'n ang daddy ni Wendy na owner ng pizza house at hindi pumayag ang butihing matanda na magbayad sila ng kahit anong kinain nila. Dinagdagan pa nga nito ng isa pang box ng Hawaiian pizza at isang litro ng softdrinks ang 'handa' bilang pa-Christmas daw nito sa kanila. Siyempre, nagpasalamat sila ng buong-puso. Lalo ring humaba ang kuwentuhan kaya hayun, 9PM na sila natapos kaya ang mga kalamnan niya, nagrereklamo na. Pero pagod man, masayang-masaya pa rin siya. "I had fun," nakangiting sabi ni Gia, saka niya nilingon ang katabing si Vincent. "Vincent, na-ka-capture mo talaga ang audience kapag kumakanta ka. Mas malakas ang stage presence mo kesa sa'kin kaya natatabunan mo ko. Pero hindi ako naiinis, ha? Kahit ako na ka-duet mo, na-me-mesmerize pa rin sa boses mo, eh." Nanatiling nakasimangot si Vincent habang hinuhubad ang mabigat nitong jacket suit na akmang bibitawan nito sa lupa pero mukhang naalala nito na hindi nito iyon pag-aari kaya pinatong na lang sa kandungan. "Oh, feeling's mutual. I also get mesmerized by your mere presence." Tinawanan niya lang 'yon. "Bakit ba kanina ka pa bad mood, ha?" Minuwestra ng lalaki ang mga costume na pinasuot sa kanila ng mga kaklase nila kanina. Si Jericho raw ang nag-rent ng mga iyon para sa kanila. "Eh pa'no, according to Jericho, costume daw nina Romeo and Juliet itong pinasuot nila sa'tin." "And?" Kunot-noo siyang nilingon ng lalaki. "And I hate Romeo and Juliet. Isumpa na ko ni Shakespear at ng fans niya pero nakakatanga ang novel na 'yon. It was a young love gone wrong." Natawa siya. "You just hate tragic stories." Minuwestra niya ang suot niyang mainit pero eleganteng pink long-sleeved dress na may corset pa. Well, mas mukha siyang Disney princess sa suot at pagkaka-elegant bun ng buhok niya. Pero kapag sinabi ni Jericho na si Juliet siya, si Juliet siya. "Pero ngayon lang ako nagsuot ng ganito. Hindi ba puwedeng 'yon na lang ang pansinin mo para hindi ka mainis?" Biglang kumalma ang lalaki at napatitig sa kanya. "Oh. Right. You look extra beautiful tonight, Gia." "Thank you, Vincent," nangingiti at kinikilig na sabi niya, saka niya tinitigan ang lalaki. Dark three piece crisp suit ang suot nito. Mas mukha rin itong prinsipe sa isang Disney film kesa classic Romeo pero kapag sinabi nga ni Jericho na si Romeo ito, si Romeo ito. "You look dashing, Vincent." Tuluyan nang umaliwalas ang mukha nito nang ngumiti. Sila na lang ni Vincent ang magkasama ngayon dito sa harap ng bahay ng mga magulang niya habang magkatabing nakaupo sa bangko sa tapat ng malaki at matandang acacia tree sa bakuran. Hindi naman masyadong madilim dahil may katapat naman silang lamppost sa tapat ng mababang gate. Saka maliwanag din ang kalangitan dahil sa mga bituin. Pagkatapos kasi silang itext ng kanya-kanya nilang mga magulang na umuwi na, nagkayayaan na rin silang magsiuwian dahil simula na ng Christmas vacation bukas. Pagkatapos, hinatid siya ni Vincent sa bahay nila at nag-stay pa ito. Nakaka-isang oras na nga sila ro'n at dinalhan na sila ng kape ng mama niya kanina. "Bakit nga pala hindi ka pa umuuwi?" nagtatakang tanong ni Gia sa lalaki. Tumaas ang kilay ni Vincent. "Pinapaalis mo na ba ko?" "Siyempre, hindi," natatawang kaila naman niya. "Nagtataka lang ako. Para naman kasing hindi tayo magkikita bukas. Christmas vacation na kaya." Kapag gano'ng bakasyon, kung anu-ano ang naiisipan nilang gawin. Nangangaroling sila sa mga barangay at subdivision, nag-ko-computer sa bahay nina Vincent, sabay-sabay gumagawa ng mga assignment, o tumutulong sa kanya-kanyang trabaho o business ng mga pamilya nila. Well, siya at ang mama niya ang madalas tinutulungan ng mga kaibigan niya. Kapag gano'ng okasyon kasi, gumagawa at nagtitinda ng leche flan at ube halaya ang kanyang ina. Tinutulungan niya itong magbenta at siyempre, ang pamilya ng barkada niya ang parating unang-una nilang customers. "Hindi ko pa kasi nabibigay sa'yo ang Christmas gift ko," pagtatapat ni Vincent na parang nahihiya pa dahil napahawak ito sa batok. Hindi rin siya sigurado kung dala lang ba ng ilaw ng lamppost o talagang namumula na naman ang mukha nito. "Eh napasarap ang kuwentuhan natin kanina kaya ngayon lang kita nasolo." "Pero nabigay mo na 'yong regalo mo sa'kin sa exchange gift natin kanina," nagtatakang katwiran naman niya. "Iyong malaking teddy bear na ayaw nang bitawan ni Gio." Sa totoo lang, nahiya siyang tanggapin ang regalo ng lalaki kasi halatang lumagpas ito sa usapan nila na one hundred pesos na halaga ng exchange gift nila. Bear Huggs kasi ang binigay nito sa kanya– iyong may kalakihang teddy bear na nasa loob ng malaking lata. Nakikita niya iyon kapag namamasyal sila sa mall o kaya sa Pandayan Bookstore kaya alam niyang mahal ang presyo niyon, lalo na 'yong gano'n kalaki. "Naisip ko nang magugustuhan ni Gio 'yong teddy bear at alam kong i-she-share mo 'yon sa kapatid mo at sobrang okay lang 'yon sa'kin. Saka regalo ko na sa inyong magkapatid 'yon kaya 'wag mong isipin ang presyo ng teddy bear," paliwanag nito. "Pero gusto kong makatanggap ka ng regalo na para sa'yo lang talaga at hindi mo puwedeng i-share sa iba. Hindi ko sinasabing masama ang pagiging generous mo kasi isa nga 'yon sa mga nagustuhan ko sa'yo. What I just want to say is you deserve a gift that you can have all to yourself." Hindi pa niya alam kung ano 'yong sinasabing regalo ng lalaki pero ngayon pa lang, naiiyak na siya sa sobrang pagka-touch. "Ini-spoil mo na naman ako, Vincent." "You deserve all the love and the good things in the world, Gia." Nag-init ang mga pisngi niya, saka siya tumingin sa suot nitong pekeng wristwatch. Oo, iyon ang regalo niya rito dahil one hundred pesos ang relong 'yon. Nagustuhan niya 'yon dahil himbis na numbers, puro nota ang nakasulat sa orasan. Gusto niya kasing i-remind ang lalaki na pangarap man nito ang maging engineer, 'wag sana nitong kalimutan ang pagmamahal nito sa music na nag-bond din sa kanilang dalawa. "Bigla naman akong nahiya sa regalo ko sa'yo..." "Bakit naman?" kunot-noong tanong nito, saka inangat ang kaliwang braso para tingnan ang suot na relo. "I love this watch, Gia." Napangiti siya dahil naramdaman niya ang sincerity nito. Isa pa, hindi ito ang tipo ng tao na magsisinungaling sa gano'ng bagay. "I'm glad you liked it." Tumango si Vincent. Pagkatapos, may dinukot itong maliit na box mula sa bulsa ng pantalon nito. May ideya na siyang alahas ang laman niyon kaya ngayon pa lang, kabado na siya. "Gia, we've been friends since we were in grade school. Pero actually, naiinis ako sa'yo simula no'ng Grade One tayo. Madaldal ka kasi at malakas pang tumawa. 'Tapos parati pa tayong magkaka-group nina Aron at Maj sa mga project kasi tayo ang top 4 sa klase noon. Naiinis ako kasi ang tingin ko sa'yo before, sipsip." Natawa siya. Nasabi na sa kanya ng lalaki ang first impression nito sa kanya noon pero natatawa pa rin siya kapag inuulit nito. "Pero no'ng Grade Four tayo, nakita kitang mag-isang umiiyak sa loob ng Math Garden," pagpapatuloy nito sa gentle na boses. "Tinanong kita kung bakit. Ang sabi mo, natatakot ka na baka hindi ka na sa school natin makapag-aral kasi nahihirapan na ang parents mo sa pagbabayad ng tuition fee. Sinabi mo rin na hindi naman kayo mayaman pero gusto ng mama at papa mo na makapagtapos ka sa magandang school. Pero ang gusto mo lang, 'wag malayo sa mga kaibigan mo. Hindi ko alam kung bakit pero na-touch siguro ako sa mga sinabi kaya nakaramdam ako ng urge para protektahan ka. Kaya ang sabi ko sa'yo, tumingin ka lang sa langit kapag gabi na at mag-wish." Napangiti siya dahil malinaw pa niyang naaalala ang kinukuwento nito. Iyon eksakto ang dahilan kung bakit nahilig siyang tumingin sa night sky. "Ginawa ko 'yong sinabi mo at nag-wish ako. Hindi sa mga star kundi sa madilim na langit. Ni-literal ko 'yong sinabi mo, eh," natatawang kuwento niya na ikinatawa din ng lalaki. "Pero effective ding mag-wish sa night sky, ha? Kasi a few days after that, natanggap na bus driver si Papa sa Manila. Kumpara sa pagiging jeepney driver dito sa province, mas malaki na ang kinita niya sa trabaho kaya nasustentuhan nila ang pag-aaral ko sa private school. Ikaw ang naging lucky charm ko no'n, Vincent." Tumaas ang kilay nito. "Ohh. Kaya ba dumikit-dikit ka na sa'kin no'n at inaya mo pa kong sumama sa Christmas party natin?" Pinaningkit nito ang mga mata. "Crush mo na ko no'n, 'no?" "Inaya kita kasi naaawa ako sa'yo," naka-pout na katwiran naman niya. "Ang tsismis kasi nina Maj at Aron dati, wala ka raw ibang friends bukod sa'ming tatlo. Eh kasi ba naman, suplado ka na, masungit ka pa. Pa'no kita magiging crush no'n? Saka 'yong magagaling mag-drawing ang type ko no'ng bata ako." Sumimangot ito. "Ah. 'Yong parang kuya ni Jericho?" "Noon nga, eh," natatawang kaila naman niya. "Ang seloso nito. Ituloy mo na nga lang 'yong sinasabi mo para hindi mabitin 'yong kilig ko." Nawala na ang simangot nito nang natawa sa sinabi niya. "As I was saying, we've been friends since we were in grade school. Pero no'ng nag-high school na tayo, nagbago na ang tingin ko sa'yo. Pero siyempre, hindi ko agad naintindihan kung ano 'yong nagbago. Na-realize ko lang siguro 'yon no'ng nag-date na sina Aron at Maj no'ng freshman year. Those two made me realize that I like to have that kind of relationship with you." Nag-init ang mga pisngi niya. "Minus that part, of course," biglang bawi nito. Sigurado siyang namumula rin ang mukha nito. Pagkatapos, tumikhim ito bago muling nagpatuloy. "Pero natorpe ako kasi siyempre, hindi ko naman alam kung pareho tayo ng feelings. You're nice to me but you're also nice to everyone." Napangiti siya sa narinig niyang frustration sa boses nito. "Pero no'ng field trip natin last year, naramdaman ko na may maliit na chance na pareho tayo ng feelings," nakangiti nang pagpapatuloy ng lalaki. "Kaya nga no'ng ihatid kita sa bahay niyo kinabukasan, sinabi ko agad kina Tita Gina at Tito Gil na gusto kitang ligawan." Kinagat niya ang lower lip para pigilan ang sariling mapatili sa sobrang kilig. Naaalala niya ang araw na 'yon pero ayaw niyang ipahalata sa lalaki na natuwa siya sa ginawa nito kaya hindi niya binabanggit ang tungkol sa panliligaw nito. Mas gusto kasi niyang pinapakita at pinaparamdam nito ang feelings nito kesa sa pagsasalita lang. "I think this is the perfect time for us to be official," seryoso pero halatang kinakabahang sabi ni Vincent, saka nito binuksan ang hawak na kahita. "Kaya ngayong gabi, pag-usapan na natin 'to." Napasinghap si Gia nang makita ang couple ring sa loob ng maliit na kahon. Manipis ang singsing na siguradong para sa kanya, at medyo makapal naman ang band no'ng para kay Vincent. Napansin niyang may naka-engrave na mga nota sa paligid ng silver band. Simple lang ang disenyo pero nagustuhan talaga niya iyon dahil sa detalyeng nakaukit sa mga iyon. "Ang ganda..." "I wanted to get fancier ones than these. Pero alam kong mas preferred mo ang mga simpleng bagay gaya nito," pagpapatuloy ng lalaki. "Don't worry because I worked hard for the money I used to buy these rings. Naglinis ako ng kotse ni Daddy at nagtabas ako ng damo sa garden namin na alagang-alaga ni Mommy. Kaya sana, 'wag kang ma-guilty na tanggapin 'to. Hindi 'to mahal, promise." Napangiti siya dahil natutuwa siyang nalaman na na-i-consider nito ang feelings niya bago siya bilhan ng singsing. "Okay. So, ano nga 'yong sinasabi mo kanina?" Humugot ng malalim na hininga si Vincent bago nagpatuloy. "Gia, will you be my girlfriend?" "Yes, Vincent," nakangiti at mabilis na sagot ni Gia. Aaminin niya, matagal na siyang handa sa pagkakataon na 'yon. Naramdaman na rin niya na mangyayari 'yon at masaya siyang tama ang kutob niya. "I'd love to be your girlfriend." Halatang nakahinga ng maluwag ang lalaki sa ngiting ibinigay nito sa kanya. "Thank God," halatang relieved na sabi nito at nilahad ang kamay sa kanya. "Can you give me your hand? Isusuot ko na 'tong singsing bago pa magbago ang isip mo." Natatawang inabot niya rito ang kamay niya. "Ang tagal ko 'tong hinintay kaya bakit naman magbabago ang isip ko?" "Gusto ko lang makasiguro," nangingiting sabi nito habang sinusuot ang singsing sa daliri niya. Kitang-kita niya ang pagkislap ng mga mata nito nang makitang suot na niya ang couple ring nila. "I got your size right, Gia. It fits you perfectly." Inangat niya ang kamay at lalong lumuwang ang ngiti niya nang makitang ang ganda-ganda nga ng singsing sa daliri niya. "Oo nga. Thank you, Vincent." Nilingon niya ang boyfriend niya at hinawakan niya ang kamay nito na halatang ikinagulat nito, pero mabilis din naman itong napangisi. "Ako naman ang magsusuot ng singsing mo." Kinuha niya ang singsing sa kahon at sinuot 'yon sa daliri ng lalaki. Kitang-kita niya ang saya sa mukha nito na para ngang maiiyak pa ito. Kung normal na pagkakataon lang 'yon, baka tinukso na niya ang lalaki at tinawag na iyakin. Pero hindi niya magawa dahil kahit siya, emosyonal na. "It fits," nakangiting komento ni Gia. Nag-angat siya ng tingin sa boyfriend niya na titig na titig sa mukha niya at na-realize niyang pareho silang naiiyak sa sobrang saya. "Vincent, bukod dito sa singsing natin, ikaw 'yong regalo na hindi ako na-gi-guilty na tanggapin. Hindi naman kasi ako sing bait gaya ng iniisip na iba. Maraming beses na gusto ko ring maging selfish. Like now." Ipinatong niya ang kamay niya sa pisngi ng lalaki. Sa totoo lang, may kumukurot sa puso niya kasi alam niyang may ibang tao na masasaktan ngayong official na sila ni Vincent. Pero ayaw niyang masira ang moment nila ng gabing 'yon. "Alam kong marami pa kong kailangang gawin at patunayan para masabing deserve kita. Pero kahit hindi pa ko perfect para sa'yo, ayokong i-share ka sa iba. Okay lang ba na maging ganito ako ka-selfish sa relasyon natin?" "Oo naman, Gia," sagot ni Vincent sa gentle na boses. Ipinatong nito ang kamay sa kamay niyang nasa pisngi nito. "I'm all yours and you don't have to share me to somebody. It's okay to be selfish sometimes so don't feel guilty about it. Ang romantic relationship, para lang sa dalawang tao." Sapat na ang mga salitang 'yon para mawala ang guilt na ngumangatngat sa puso niya. Tama naman ang lalaki. Ang gano'ng relasyon, para lang sa kanilang dalawa. At sa realization na 'yon, napangiti na siya. "Ang saya ko ngayon, Vincent." "Masaya rin ako, Gia," ngiting-ngiti na sagot nito. Nakasama na niya ang lalaking ito sa kalahati ng buhay niya at ngayon niya lang ito nakitang gano'n kasaya. Quits lang sila. "I know asking is kind of lame. But can I hug you?" Kinagat niya ang ibabang labi, saka siya nahihiyang tumango. "Puwede na." Lalo yatang lumuwang ang ngiti ng boyfriend niya. Mayamaya lang, umangat na ang mga braso nito. Halatang nahihiya at nag-aalangan pa ito sa gagawin. Pero pagkatapos ng ilang segundo na pakikipag-debate siguro sa sarili, pumalupot na rin ang mga braso nito sa katawan niya. Malamig ang simoy ng hangin dahil December na, lalo na't malalim na ang gabi. Pero ng mga sandaling 'yon, ang init-init ng mukha niya habang nakasubsob sa dibdib ng boyfriend niya. Iyong puso niya, parang may pa-fireworks na sa loob ng dibdib niya kahit hindi pa New Year. Hindi na niya alam kung paano pa i-de-describe ang nararamdaman niya. Ang masasabi niya lang, sobrang masaya siya. Base sa naririnig at nararamdaman niyang mabilis at malakas na t***k ng puso ng lalaki, mukhang pareho naman sila ng feelings. Needless to say, to be wrapped in Vincent's warm embrace during that cold evening and under the night sky that Gia loved was her most favorite moment with him yet.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD