DECEMBER 15, 2017
ITO NGA 'yong bahay nila Jericho na naaalala ko.
Hindi pa rin makapaniwala si Gia sa nakikita niya habang pababa ng grandstaircase na gawa sa kahoy. Mabagal ang hakbang niya sa mga baitang dahil tinititigan niyang mabuti ang pictures na naka-frame at nakasabit sa dingding. Puro family at childhood pictures iyon ng Agoncillo brothers.
Pagbaba naman niya sa malawak na living room kung saan halos walang nagbago sa mga antique furnitures at display na naro'n, sumalubong sa kanya ang malaking graduation photos nina Jericho at Kuya Jeremy. College graudation iyon base sa kulay ng toga at "label" na nabasa niya sa ibaba.
"Secondary Education ang tinapos ni Jericho," nakangiti at masayang bulong ni Gia sa sarili. Bagay nga sa kanya ang maging teacher. He's smart and funny kaya sigurado akong hindi ma-bo-bore sa lecture ang mga estudyante niya. Pero shocking ang life decision niyang 'to, ha.
Naaalala niya na madalas magreklamo si Jericho sa "mediocre" teachers nila noon na wala naman daw pakialam sa mga estudyante. Nakakapagtaka tuloy na Education ang kinuha nitong kurso.
But it actually makes sense. Baka ginusto niyang mag-teacher dahil ayaw niyang maramdaman ng mga estudyante ang naramdaman niya noon sa mga teacher naming hanggang sa classroom lang daw nagagampanan ang duty at wala na raw pakialam sa'min pagkatapos ng klase.
Sunod na tiningnan naman niya ang graduation picture ni Kuya Jeremy at lumuwang ang ngiti niya nang mapansing mas payat ito doon kesa sa Kuya Jeremy na nakilala niya ngayon. Medyo boyish pa ito tingnan sa litrato, hindi gaya ngayon na mamang-mama na ito.
'Yan ang Kuya Jeremy na naaalala ko.
Unti-unting nawala ang ngiti niya nang may ma-realize siya.
Nasa future nga ako.
Humugot siya ng malalim na hininga para kalmahin ang sarili. Nang nagising siya kaninang madaling-araw, hindi agad siya bumangon at tumitig lang siya sa kisame habang in-a-absorb ang katotohanang nasa 2017 na nga siya. Sa dami ng ebidensiyang ipinakita sa kanya ni Kuya Jeremy kagabi, mahirap nang isiping pinag-ti-trip-an lang siya nito. Saka 'yong pangyayari pa lang na nagising siya sa gitna ng kalsada, mahirap nang paniwalaan. Gano'n din ang pagbabago ng mga establishment sa barangay nila, lalo na ang bahay nila na ibang tao na rin ang nagmamay-ari.
Sana naman nasa mabuting kalagayan pa rin ang pamilya ko.
Nagdesisyon siyang huwag nang takbuhan ang realidad at pinilit niya ang sariling kumalma. Wala namang maitutulong sa kanya kung magpapalamon siya sa takot, lalo na kung mag-pa-panic siya. Sa gano'ng sitwasyon, kailangan niyang panatilihing malinaw ang isipan niya.
Naputol lang ang pag-iisip ni Gia nang may marinig siyang ingay na mukhang sa kusina nagmumula. Sinundan niya kung saan nanggagaling ang mga naririnig niyang kalansing at boses ng lalaki hanggang sa matagpuan niya ang sarili sa kitchen area...
... kung saan may sumalubong sa kanyang topless na Kuya Jeremy na may kausap sa smartphone habang nakaharap sa kalan at nagsasangag ng kanin.
Woah.
Mabago ang niluluto nito pero mas mabango ang amoy nito– amoy-baby.
"Sorry, emergency," kasawal na sabi ni Kuya Jeremy sa kausap nito. Kalmado na siya kaya siguro ngayon niya lang napansin na malaki at malalim na ang boses nito kumpara noon. Pero gaya ng naaalala niya, gentle pa rin itong magsalita. "Hindi ko alam kung kelan ako makakabalik sa work. Consider this as an indefinite leave and yes, I know what I'm doing..."
Alam niyang dapat siyang mag-iwas ng tingin pero hindi niya mapigilang mapatitig sa katawan ng lalaki kahit nag-iinit na ang mga pisngi niya.
Ang lapad ng mga balikat at halatang matikas din ang likod. Pansin din niya ang malalaki nitong biceps habang gumagalaw ang kamay nito sa paghahalo ng fried rice sa kawali.
Naaalala niya noon na kapag nakikita niya ito sa canteen na nag-do-drawing o kaya kumakain, medyo naka-slouch ito dahil siguro sa madalas na pagyuko habang nagpipinta o gumagawa ng kung anumang art. Pero ngayon, maayos na ang posture nito at...
... and he has taut hips.
Nakakahiya ka, Gia Tolentino, saway niya sa sarili. Hindi mo pa alam kung pa'no ka napunta sa future kaya please lang, mag-focus ka sa sitwasyon at hindi sa katawan ng "sort of friend" mo.
Narinig niyang nagpatay na ng kalan ang lalaki at tumigil na rin sa paghahalo ng fried rice kaya mabilis niyang pinuwersa ang mga mata na mag-angat ng tingin.
Biglang humarap si Kuya Jeremy sa kanya. "Yes, please..." Unti-unti itong natigilan sa pagsasalita nang makita siya. "Gia..."
Para yatang nag-init din ang mga tainga ni Gia nang mapatitig kay Kuya Jeremy.
Bagong-ligo ito kaya pala amoy-baby sa kusina. Basa pa ang buhok nito dahil may butil pa ng tubig na pumapatak sa leeg nito, pababa sa malapad na dibdib, tuloy sa mukhang matigas nitong tiyan (abs!), at mas mababa pa dahil bukas ang zipper ng suot nitong pantalon na loose ang pagkakakapit sa baywang nito.
"Uhm..."
Napasinghap siya nang sa wakas, natauhan na siya dahil sa muling pagsasalita ng lalaki. Mabilis siyang tumalikod habang sapo-sapo ang nag-iinit na mga pisngi.
"Sorry!" mabilis at halatang nakokonsensiyang sabi naman ni Kuya Jeremy. Mayamaya lang, may narinig na siyang ingay na parang gumagalaw na uli ito sa kusina. "Nakalimutan kong may bata nga pala akong kasama ngayon. Uhm, I'm already decent so you can turn around now."
Humugot ng malalim na hininga si Gia bago pumihit paharap kay Kuya Jeremy.
Gaya ng sinabi nito, disente na ito dahil nakasuot na ito ng puting T-shirt at mukhang naka-zipper na rin ang pantalon. Kalmado na uli ito habang sinasalin sa malaking bowl na nasa gitna ng mahabang mesa. Napansin niyang nakahain na ang hapag na parang kanina pa nito pinaghandaan ang almusal.
"Akala ko kanina, tulog ka pa," pagpapatuloy ni Kuya Jeremy nang matapos ito sa ginagawa. "Anyway, maupo ka na at mag-breakfast muna. I'm sure you're hungry since I forgot to feed you last night." Napakamot ito ng kilay na para bang nahihiya. "Sorry. Hindi kita napakain ng dinner. I got so preoccupied by this strange phenomenon."
"Okay lang, Kuya Jeremy. Hindi rin naman ako nakaramdam ng gutom kagabi," sagot ni Gia, saka siya lumapit sa mesa. Nagulat siya sa dami ng nakahaing pagkain. Bukod sa bagong-lutong fried rice, meron ding French toast do'n. May spam, hotdog, nuggets, sunny side-up egg, bacon, at fried chicken pa na puwedeng mga ulam o palaman sa tinapay. Meron ding pitsel ng tubig at pitsel ng mango juice– ang nag-iisang flavor ng juice na gusto niya. "Ang dami naman nito."
"Kaya mo 'yan. Kailangan mong mabawi ang lakas mo." Umupo ito sa center seat, saka nito iminuwestra ang silya sa tabi nito sa right side. "Sit down and let's eat, Gia."
Tumango siya at umupo naman sa tabi nito, saka siya nagpasalamat na nginitian lang nito. Kinuha niya ang bowl ng fried rice at nagsalin sa plato niya habang ang lalaki naman, toast bread na may palamang spam ang kinakain habang nagkakape.
"Kuya Jeremy, puwede na ba kong magtanong?" tanong niya habang naglalagay ng sunny sideup egg at hotdog sa plato.
"Sure," mabilis na sagot nito, pero nakakunot naman ang noo nang lingunin siya. "Uhm, Gia, puwede bang 'wag mo na kong tawaging 'Kuya Jeremy?' You can just call me 'Jeremy.'"
Kumunot din ang noo niya at magtatanong sana siya kung bakit pero na-realize din agad niya ang sagot. Napangiti tuloy siya habang tumatango-tango. "Ah, alam ko na. Sa time na 'to, adult na rin ako at one year lang naman ang gap natin. Nagkasundo siguro tayo na 'wag ka nang tawaging 'kuya' 'no?"
Binigyan siya nito ng tipid na ngiti, saka ito tumango bilang sagot. "Parang gano'n na nga. Saka mas sanay na kong 'Jeremy' ang tawag sa'kin ng mga ka-close ko."
"Ohh. Close na tayo ng adult version ko?"
"You can say that."
Binaba niya ang hawak na mabibigat na kubyertos nang may random idea na pumasok sa isipan niya. "Jeremy?"
Biglang nasamid si Jeremy at hindi niya sigurado kung namula ba ang mukha nito dahil mabilis itong tumagilid mula sa kanya para kunin ang baso ng tubig. Inubos muna nito ang laman niyon bago muling humarap sa kanya. Bumalik na ang pagiging kalmado nito. "Yes, Gia?"
"Tingin ko nag-swap kami ng adult version ko," nanlalaki ang mga matang paliwanag niya rito dahil na-e-excite siya sa nabuo niyang theory. "Kung nandito ako sa future, malamang nasa 2007 era naman ang adult version ko." Napapalakpak siya sa tuwa. "Siguradong magugulat sila Vincent. Pero sana naman, 'wag siyang magpakita sa pamilya namin. Baka kasi biglang atakihin sa puso sina Mama at Papa. Saka masyado pang bata si Gio para maintindihan ang nangyayari."
"I think your adult version will also figure out what to do in the past if your theory is correct. Mabilis ka namang mag-adapt dahil ngayon nga, kalmado ka na."
Nagpatuloy na siya sa pagkain habang sumasagot. "Wala namang matutulong sa'kin kung iiyak o magiging in-denial ako. Parati kong naiisip ang future nitong nakaraan kaya siguro napunta ako rito. Malakas ang faith ko sa himala kaya siguro nandito ako ngayon. Puro ako siguro since hindi ko rin sure kung tama ba ang mga naiisip ko." Nilingon niya ang lalaki na napansin niyang nakadikit lang ang toast bread sa bibig nito pero maliit lang ang kagat ng tinapay. "Mukha namang kalmado ka rin. Bakit hindi ka nag-freak out no'ng nakita mo ang teenage version ko?"
"Oh, I'm freaking out inside," nangingiti habang iiling-iling na pag-amin nito. "Hindi ko lang pinapakita sa'yo kasi ayokong mag-panic ka. I'm the adult here so I thought I need to take care of you."
"Ang mature mo na nga mag-isip," nakangiting komento niya. Pero mabilis din niyang naalala ang itatanong niya rito kanina kaya naging seryoso na siya. "Jeremy, anong nangyari sa pamilya ko? Kung close kayo ng adult version ko, alam mo siguro kung nasa'n sila, 'di ba?"
Marahang tumango ang lalaki. "Nagbabakasyon sila sa Hongkong ngayon."
Nanlaki ang mga mata niya. "Afford na ng pamilya ko ang magbakasyon sa Hongkong?"
Napangiti si Jeremy sa tanong niya, pero tumango naman ito bilang sagot. "Oo, Gia. Eight years ago, nagtayo ng sariling eatery si Tita Gina at huminto na sa pagiging bus driver si Tito Gil para tumulong. Hindi nagtagal, naging mabenta ang specialty ni Tita Gina– ang pansit malabon– dahil masarap na, mura pa. Gano'n din ang leche flan at ube halaya na sine-serve as dessert. Through word of mouth, sumikat ang eatery hanggang sa ma-feature 'yon sa isang sikat na talkshow. Dumami ang order sa inyo hanggang sa lumaki ang business niyo. Five years ago naman, binenta niyo ang bahay niyo para makapagpatayo kayo ng restaurant sa Manila na nag-i-specialize sa Pinoy merienda gaya ng pansit at palabok. Nag-boom 'yon kaya eventually, nakabili na rin kayo ng bagong bahay sa subdivision near your resto. Sa ngayon, may dalawa nang branch ang restaurant niyo. May newly opened café na rin kayo sa Bulacan." Lumuwang ang ngiti nito nang makita siguro ang reaksyon niya. "Your family is living comfortably now."
Namalayan na lang ni Gia na umiiyak na pala siya nang abutan siya ng lalaki ng tissue. Natawa siya habang pinupunasan ang basa niyang mga pisngi. Tawa 'yon na dala ng relief at saya na mahirap ipaliwanag. "Sobrang nakaka-proud naman ang achivement nina Mama at Papa. I'm glad na okay na sila, at siguradong secured na rin ang future ni Gio ngayon. Pero hindi na dapat ako nagulat dahil pinag-aral nila ako sa private school mula elementary. Kinaya nila 'yon dahil sa sakripisyo nila. Sobrang hardworking ng parents ko kaya deserve nila ang maging gano'n ka-successful ngayon."
Tumango ang lalaki, halatang masaya para sa kanya. "I agree."
"Puwede ba natin silang puntahan, Jeremy? I miss them. I'm sure matatanggap naman nila ako kapag nakita nila ako, 'di ba?"
"Sige, pagbalik nila ng Pilipinas, puntahan natin sila. Alam ko naman kung saang branch madalas magpunta ang parents mo para mag-store visit. Baka kasi mabigla sila kung ibabalita ko over the phone lang ang nangyari."
Na-realize niyang tama ito. Kapag nalaman ng family niya ang nangyari sa kanya, baka magmadali ang mga ito na umuwi. At kung matataranta ang mga ito, posibleng maaksidente pa. Kaya mas okay nga siguro kung maghihintay muna siya sa pagbabalik ng mga magulang at kapatid niya. Wait.
"Anong nangyari sa adult version ko?" kunot-noong tanong niya at bumalik na naman ang kaba niya. "Hindi ba nila ko kasama sa Hongkong? Hindi kaya nag-pa-panic sila sa kakahanap sa'kin ngayon? Baka kasi bigla na lang nawala 'yong adult version ko no'ng nag-swap kami."
"Hindi ka nakasama sa bakasyon na 'yon kasi may work ka."
Okay, nagustuhan niya ang narinig kaya mabilis nawala ang kaba niya. Well, kabado pa rin naman siya pero mas lamang na ang excitement. "Jeremy, anong work ng adult version ko?"
Uminom muna uli ito ng tubig bago sumagot. "You're a vocalist in an indie rock band."
Napasinghap siya ng malakas at naitakip pa ang mga kamay sa bibig. Sigurado rin siyang nanlalaki na naman ang mga mata niya. "Seryoso?"
"Well, hindi gano'n kasikat ang banda niyo gaya ng mga favorite local rock band mo," parang nahihiyang pag-amin naman nito. "Pero masaya naman ang adult version mo sa pagtugtog sa indie music scene."
"Okay lang. Masaya na kong malaman na naging vocalist ako," masayang komento niya. "Meron ka bang kopya d'yan ng mga kanta ng banda ko?"
Napakamot ito ng kilay. "Uhm. Mas okay siguro kung si Vincent na lang ang magpaparinig sa'yo ng songs ng banda mo kaya hintayin mo na lang siyang makabalik."
Napasinghap uli siya. Wow, napapadalas na 'yon sa dami ng revelations na naririnig niya. "Magkasama pa rin ba kami ni Vincent hanggang ngayon?"
"Of course."
Napangiti at kinilig siya sa nalaman niyang 'yon. "Nasa'n siya ngayon?"
"May concert si Vincent sa Japan para sa mga Pinoy fans niyang nando'n pero pauwi na siya ng Pilipinas ngayon. Baka mamayang gabi lang, nandito na siya."
"Show? Japan?" kunot-noong tanong niya. "Hindi naging engineer si Vincent?"
Marahang umiling si Jeremy. "Vincent is a famous singer-turned-actor now."
Okay, napasinghap na naman si Gia. Hindi naman siguro siya OA dahil totoo namang nakakagulat ang mga nalalaman niya. Pero nakakagulat sa masayang paraan. "Hindi ko in-expect na magiging singer at artista siya." Napapalakpak siya at nakalimutan na ang pagkain. Sa mga nalalaman pa lang niya ngayon, nabubusog na siya. Napabungisngis tuloy siya dahil sa magkahalong kilig at saya. "At magkasama pa rin kami kahit superstar na si Vincent?"
Ngumiti at tumango ang lalaki. "Well, hindi ko alam kung ano eksakto ang status niyo pero close pa rin naman kayo. Lowkey nga lang para hindi ma-invade na reporter ang relasyon niyo. But I don't really know what's going on between you so you just better ask him when he comes back." Saglit itong natigilan. "Pero kailangan ko muna siyang kausapin para i-brief siya sa sitwasyon. Hindi ko kasi alam kung ano ang magiging reaksyon niya kung makikita ka niyang bumalik sa pagiging teenager. Okay lang ba kung ako muna ang makikipagkita kay Vincent?"
"Mas okay nga kung ikaw muna ang makikipag-usap sa kanya," tumatango-tangong pagsang-ayon niya habang pinag-iisipan ang sitwasyon. "May tiwala naman ako kay Vincent pero kakaiba pa rin ang pangyayaring 'to kaya kailangan nating maging maingat sa pag-handle nito." Kumunot ang noo niya nang may maalala. "Hindi ka na takot kay Vincent? Close na rin ba kayo?"
"Not really. We're just colleagues. Ako ang art director sa Music&Blues– ang recording label kung sa'n exclusive artist si Vincent."
"Art director?" nagtatakang tanong niya. "Hindi ko alam kung ano 'yon pero hindi ka na ba nag-pe-paint? Nakita ko 'yong graduation photo mo sa sala. Nakalagay do'n na Fine Arts ang tinapos mo no'ng college kaya akala ko, painter ka na."
"Well, malawak naman ang field ng art at hindi lang 'yon about sa pagpipinta sa canvas," paliwanag nito sa gentle na boses. Halatang kinakausap siya nito bilang adult. "As an art director, isa sa mga trabaho ko ang paggawa ng design ng album jacket ng mga Music&Blues artist. Iba lang ang medium pero nabubuhos ko pa rin ang creativity ko sa trabaho ko. And don't worry because I still paint the traditional way. Kung minsan, na-i-invite ako sa mga collaboration ng mga gaya kong artists at nagkakaro'n kami ng art exhibit. I'm living a dream, Gia."
"That's good to know," nakangiting sabi niya dahil proud siya sa narating nito. "Alam mo rin ba kung ano ang nangyari sa iba kong friends? Kilala mo rin sila since kaklase namin si Jericho. Sina Maj Sy, Aron Anderson, at Wendy Estrella."
"Hindi ako close sa kanila pero sss friends ko sila kaya puwede kong ipakita sa'yo ang profile nila para ma-update sa naging buhay nila for the past ten years."
"sss friends? Ano 'yon?"
"f*******: friends," sagot nito, at bigla ring napa-"Ah!" na parang na-realize na "foreign language" na sa kanya ang mga sinasabi nito. "Right. Hindi pa uso ang f*******: sa'tin ten years ago. Anyway, it's a social media platform just like Friendster. You know Friendster, right?"
Tumango siya. "Oo. May Friendster ako."
"Sadly, wala ng Friendster ngayon."
Napasinghap siya pero sa pagkakataong 'yon, sa hindi na masayang dahilan. "Wala ng Friendster? Anong klaseng future 'to kung wala ng Friendster?"
Natawa ng mahina si Jeremy habang iiling-iling. "Trust me, Gia. Sa dami ng mga bagong social media platform ngayon, hindi mo masyadong ma-mi-miss ang Friendster." Tinuro nito ang plato niya na hindi na niya nagalaw. "Ubusin mo muna 'yang breakfast mo bago ko ituloy ang mga kuwento ko sa'yo." Tumayo ito bitbit ang mug ng kape habang nakatingin pababa sa kanya. "I-se-set up ko lang ang laptop ko sa sala. Mas okay kung sa laptop ko ipapakita sa'yo ang f*******: kesa sa phone. Iwan mo na lang sa lababo ang pinagkainan mo. Huhugasan ko na lang mamaya."
Tumango siya. "Okay."
Hindi siya sigurado kung imagination niya lang ba o talagang tinitigan muna siya ni Jeremy ng limang segundo nang may kakaibang emosyon sa mga mata bago ito natauhan at nagmamadaling lumabas ng kusina.
Hindi pa rin siguro siya makapaniwalang napunta ako dito sa future. Sabagay, kahit ako naman, gano'n din. Sobrang surreal sa pakiramdam.