December 24, 2017 (10:30 PM) NAKAUPO si Gia sa windowsill habang hinihintay ang pagsundo sa kanya ni Jeremy. Para malibang, tinitingnan niya ang mga pictures nila ng mga kaibigan niya sa phone. Gaya ng kanyang pangako, mula kahapon, ang pamilya niya ang kanyang kasama. Nasa bahay lang sila kahapon nang nag-bake at nagluto siya. Nag-movie marathon din sila, pero hindi nila naintindihan ang mga action film na pinanood dahil sa kuwentuhan. Pagkatapos, magkakatabi uli silang natulog sa kama para masulit ang oras na natitira sa kanila. Kaninang umaga naman, nagsimba sila. Pagkatapos, nag-bonding sila sa kusina nang tumulong din ang papa at kapatid niya habang nagluluto sila ng panghanda para sa noche buena. Walang nagbabanggit na mamaya na rin ang 10thyear death anniversary ni Gia. We have

