December 18, 2017 (4:56 PM) "ANAK, mag-share muna kayo ni Gio ng kuwarto. Pasensiya ka na, dalawa lang kasi ang kuwarto sa bahay natin dito. Umuuwi lang naman kami dito kapag December kaya hindi na kami kumuha ng mas malaking matitirhan. Kung gusto mo, puwede rin naman kayong matulog ni Gio sa tabi namin ng papa n'yo, gaya noon kapag nagkakatakutan tayo sa bahay." Natawa nang mahina si Gia dahil sa mga sinabi ng mama niya. Naalala nga niyang kapag napuputulan sila ng kuryente noon, kinukuwentuhan sila ng ghost stories ng papa nila kaya sila naman ni Gio, naiiyak sa takot. Pero hayun siya ngayon, naging 'multo' na. Hindi na lang niya iyon sinabi dahil siguradong malulungkot ang mama niya. "Okay lang, Mama. Hindi na-mention ni Jeremy na may bahay pa rin pala tayo dito sa Bulacan." Sa malii

