MASAKIT ang katawan ni Gia dahil sa iba't ibang water activities na ipinasubok sa kanya nina Aron at Allie na parang pinagkaisahan siya... in a good way. Nag-enjoy din siyang kasama ang kanyang pamilya sakayaking, Jet Ski, at parasailing. Masaya at exciting naman ang mga ginawa nilang activity kahit masakit sa katawan.Hinayaan siya ng mga kaibigan na buong araw makasama ang kanyang mga magulang at kapatid. Lumalapit lang ang mga ito kapag kakain na, pero kahit magkakasama sila, parating ang pangyayari sa buhay ng pamilya sa dumaang ten years ang topic para siguro maka-catch up siya. At na-appreciate niya iyon. Pero ngayon, hayun siya at mag-isa sa pool side habang nakahiga sa puting lounging chair at nakaharap sa infinity pool na parang naging isa na sa dagat. Suot pa rin niya ang Micky

