"BUENOS dias, mi amor," mahinang bati ni Jaidyleen nang madaanan ang stand-in ni Angel sa pinto ng Access Language School. Nakangiti ito habang naka-thumbs up na parang inaakit ang sinuman na mag-enroll sa language school nila. Sa kabila naman ng entrance ay ang stand-in ni Misagh na gaya ni Angel malakas ding mang-akit. Araw-araw ay naging ritwal na niyang batiin si Angel na gawain din ng ibang kasamahan nila na ganadong pumasok sa araw-araw. Sa ganitong pagkakataon na lang siya nakakapag-mi amor dito. "Excuse me," untag sa kanya ng dalawang dalagita na sa tingin niya ay college students. "Are you Miss Jaidyleen Ruiz?" "Yes,” sagot naman niya. "Kayo ang teacher nila Misagh at Angel?" Nang tumango siya ay nagtilian ang mga ito at kinamayan siya. "Its an honor to meet you. Teacher nil

