Chapter 5

1090 Words
“Best slaps receiver award of the year goes to…” Rhyd announced loudly. Nagpunta pa si Sevi sa pinakamalapit na mesa at nagsimulang tumugtog ng dramatikong drum roll. “Drakula Fortalejo! His face has been disfigured… completely out of recognition!” Umigting ang panga ko sa kabaliwan ng dalawa. “So, Mr. Drake—” “You mean, Drakula,” singit ni Rhyd bago pa matapos ni Sevi ang sasabihin. “Right. Mr. Drakula Fortalejo,” Sevi continued, stretching his folded palm like a damn microphone and shoving it closer to my face. “Anong masasabi mo sa dalawang sampal na natanggap mo ngayon? Mahapdi ba sa pisngi?” Malakas na tinampal ko ang kamay ni Sevi. They burst out laughing, watching me like I was some lost puppy standing there. “He was pressing what is not his, enjoying himself until he got blessed with two hot slaps,” sabi ni Rhyd at nagsimula na naman silang tumawa. “Sorry, bro. Dapat nagpasalamat ka na lang sana imbes na maging mayabang at tanga,” dagdag ni Sevi na nakangisi pa rin. My fists tightened. “She saved you from losing big buyers. She used her sweet words to convince them,” Rhyd said, suddenly sounding pissed at me. “You two may be enemies, but she still did that for you. Alam mo ba kung ilang milyon ang mawawala sa 'yo kung hindi dahil sa kanya?” “Tama si Rhyd. Pwede ka namang magpasalamat na lang kay Blaire. Sa tingin ko, dapat kang humingi ng sorry sa kanya,” dagdag ni Sevi. I stared at both of them, outrage crawling up my spine. “I can see you two have finally lost it. She deserves an apology? And I don’t? Why the hell should I apologize to her? Dapat siya ang mag-sorry dahil sinampal niya ako. Wala siyang respeto sa akin kahit alam niyang ako ang boss dito.” “Iniligtas ka niya, bro. Iniligtas niya ang pangalan ng kumpanya. Kung umalis ang mga buyer na 'yon na galit, sasabihin nila sa iba na hindi maganda ang mga alak natin. Isantabi mo muna ang pride mo at makinig ka,” giit ni Sevi. “Are you both done talking nonsense?” I snapped, irritation sharpening every word. “Syempre hindi 'yan makikinig,” sabi ni Rhyd at inirapan ako. “Isn’t he the same stubborn, proud Drake we’ve always known?” Tumawa si Sevi. “He’s let pride build a strong web around his brain like a spider, so thick that thinking straight is difficult now.” Patuloy nila akong kinukutya, bawat bira ay sumusundot sa kumukulo kong galit. “You’re both fired!” I exploded, sounding like a damn lunatic. Nagkatinginan sina Sevi at Rhyd. Sa halip na matakot, malakas na natawa ang dalawa. “Let’s go get our things and leave, dude,” Rhyd said, fake-crying dramatically. Sevi almost choked laughing. Habang naglalakad sila palabas, lumingon si Sevi at sumigaw. “Better go apologize to her, pvssy lord!” Mariin kong kiniskis ang mga ngipin ko hanggang sa makaramdam ako ng sakit na umakyat sa aking panga. Sige, tumawa lang kayo hangga't gusto niyo. Padabog akong lumabas ng wine room. Hindi pa rin ako makapaniwala. Nasampal ako sa loob mismo ng kumpanya ko. Who the hell does she think she is? And now those two idiots actually want me to go apologize? Apologize… for getting slapped? By her? Kahit kailan hindi ko naisip na masasampal ako ng isang babae. At hindi lang basta babae. Si Blaire pa talaga. She dared slap me for touching her boobs. Ang parehong dibdib na halos nagmamakaawa ang mga babae na hawakan ko. At hindi naman sinasadya, isang walang-malisya na pagkakamali lang! Isang pagkakamali! Fvck you, Blaire! Hindi maalis sa isip ko ang ginawa niya. Hanggang ngayon mahapdi pa rin ang pisngi ko. Kailangan ko ng magpatingin sa Derma. Paano ko ba mapapaalis dito ang masamang bruha na 'yon? Ayaw niyang umalis. A daughter of evil, sent straight to frustrate my life. Napasabunot ako sa aking buhok, nagngangalit sa kisame na parang trinaydor ako ng mundo. •••••෴ᕙ⁠[⁠・⁠۝・⁠]⁠ᕗ෴••••• I was walking toward the elevator after closing up for the day when I saw Rhyd and Sevi approaching. Hindi naman kalayuan ang mga opisina nila sa akin, kaya hindi nakakapagtaka na makita ko sila. “Hey, Blaire. How are you?” nakangiting tanong ni Rhyd. Hindi na ako nag-abalang tignan siya. “Anong kailangan mo?” walang ganang tanong ko. Rhyd chuckled awkwardly. Pero hinampas ni Sevi ang ulo niya kaya sinamaan niya ito ng tingin bago muling humarap sa akin. “Hindi ako nandito para makipag-away sa 'yo, Blaire. I just want to say sorry on behalf of Drake for what happened earlier today,” sabi niya, sinusubukang maging seryuso. Nagkibit balikat ako. “It’s fine. I didn’t ask for an apology anyway.” Lumawak ang ngiti ni Rhyd. “Alam ko, pero gusto ko lang talagang humingi ng tawad." I rolled my eyes. “Apology accepted. Can I go now?” “Sure, but can I be your friend?” he asked eagerly, almost bouncing. Natigilan ako at bahagyang lumingon sa kanya. “Why should we be friends?” “Because… I want to be your friend,” he said. Tinaasan ko siya ng kilay. “Wait, is that even an answer? Does that make any sense to you?” Suminghal si Sevi sa tabi niya. Narinig ko ang bulong nito. “Stupid man in love. She'll use you as her tissue paper.” Sinamaan ito ng tingin ni Rhyd, at agad namang tumahimik si Sevi, pero hindi ko napigilan ang maliit na ngiti na gumuhit sa aking mga labi. Bumaling muli sa akin si Rhyd. “So... pwede na ba tayong maging magkaibigan?” “No!” mariin kong sagot at iniwan silang dalawa. Narinig kong tumawa si Sevi at nagbitaw ng ilang sarkastikong komento tungkol sa nasaktang damdamin ni Rhyd. Hinila niya ito sa isang sulok at tinampal ang noo nito. Nakakatawa silang dalawa. Parang mga bata. Nang makarating ako sa elevator, tinawag ako ni Ryd. “Blaire, wait!” Pinindot ko ang button nang susubukan na niya akong habulin. I caught the corner of their chaos behind me. Sinisigawan ni Rhyd si Sevi na tumatakbo na parang baliw. I shook my head, fighting back a grin. Some people really never learned how to act like adults.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD