“Kalma lang, buds. I believe they’ll be here soon. You know how women are, with their makeup and all that.” Halos wala akong marinig sa sinasabi ni Rhyd. Paulit-ulit akong naglalakad pabalik-balik, hindi mapakali habang nakatingin sa may entrance ng simbahan, umaasang makikita ko ang sasakyan ni Blaire anumang sandali. “Besides, today is her day. Kaya hayaan mo siyang maglaan ng oras para sa sarili niya,” dagdag pa niya. Malalim akong napabuntong-hininga at pinasadahan ng kamay ko ang aking buhok. Alam ko naman ‘yon. Pero malapit na kasing magsimula. “I know, man,” I rasped. “But it’s almost time, and the priest will be here before you know it.” Ginulo ko ang aking buhok, agad naman ‘yong inayos ni Sid. “Gusto mo bang magmukhang baliw sa araw ng kasal mo?” he scoffed, eyeing me. “Bro

