Chapter 3
"Hindi na namin tatanungin kung kayo na ba dahil pagkatapos nang nasaksihan namin sa kuwarto mo, Belle." Papa faked a cough. "It's clear and obvious."
Nakagat ko ang labi ko at bumaling kay Alas.
Si Alas ang madalas sumagot sa mga tanong ng magulang namin dahil hindi ko talaga alam ang isasagot sa mga tanong nila ngayon. Daig pa nila ang isang talkshow kung makapagtanong at mang-usisa saamin. Isa pa hindi ko din naman kayang magsinungaling kila mama at papa.
"Anong plano niyo ngayon?" tita Dana asked us. "Siguro dapat magpapresscon kayo para tumigil na ang mga nakikicomment sa buhay niyo."suhestyon niya.
"I'm still waiting for Belle's decision. I don't want to ruin her career, ma." bumaling saakin si Alas.
"Hays!" si mama. "Ewan ko ba naman kasi kay Belle at hindi pa umalis sa showbiz na iyan at magfocus na lang sa kompanya." umiiling na sabi ni mama kay Alas.
"That's my plan, mama." I sighed. "May kakausapin lang akong mga tao dahil hindi naman po ako puwede basta umalis dahil may kontrata pa po ako. May movie ako at hindi pa nasisimulan ang taping nun."
I was also planning to quit modelling. I guess this is the right time.
Tumango si mama na tila sang-ayon sa desisyon ko. "Kelan kayo magpapapresscon? Sana mas maaga para matapos na ang mga espekulasyon sa inyo ng mga tao."
"Opo, mama. Bukas po ay aasikasuhin ko po." sagot ko.
"Ace, I trust your words. Take good care of my daughter. Kung ibang lalaki ang nakita kong kasama ni Belle habang ehem gumagawa ng milagro sa mismong kuwarto niya hindi ko alam ang magagawa ko. Baka nasa kulungan na ko ngayon o baka isubject ko sa experiment ang lalaki na iyon." seryoso si papa habang sinasabi ang mga iyon kaya hindi ko mapigilan ang mapalunok. "Pero hindi ka na iba sa pamilyang ito. Parang anak na din ang turing ko sayo. Sana sa susunod ay maglock naman kayo ng pinto." Papa sighed.
Humagalpak si mama at tita Dana ng tawa samantalang ngumisi lang saamin si tito Nikov.
"Mga kabataan nga naman. Masiyadong mapusok ayan tuloy nakalimutang maglock ng pinto!" tita Dana's remarked.
Napanguso ako at namula sa sinabi niya.
"Ma. It won't happened again." iling ni Ace na parang pinapatigil na ang ina niya. But I know tita Dana she won't stop.
"Anong it won't happened again? Iyong nahuli kayo o iyong pagmamake out niyo?" she asked, grinning from ear to ear.
"Both." Ace answered firmly. Parang napipikon na sa pang-aasar ng ina.
Kaya mas lalong natawa si tita Dana. Tila sayang-saya sa reaction ng anak na halatang iritado at nagtitimpi lang.
"Sus! Gigil na gigil ka nga, anak!" Tita Dana smirked. "Alam mo ba, Belle, itong si Ace patay na patay na talaga iyan sayo nuon. Mabuti nga at kumilos na ng kusa e akala ko kailangan pa naming gumawa ng paraan ni Nikov." tumatawang pambubuko ni tita Dana sa anak.
"Ma!" medyo tumaas na ang tono ni Ace. Napatuwid na din siya sa kinauupuan niya ngayon.
"Talaga po?" gulat na komento ko naman. Talagang nagulat ako dahil hindi ko alam iyon. I mean hindi ko inaasahan kay Ace. Ang sungit niya saakin at ang ilap tapos ngayon...
"Oo, inaanak!" tumatawang sagot ni tita Dana saakin."Torpe lang ang anak ko kaya ngayon lang kumilos." then she winked at me.
"I'm not a coward, ma." madiin na tanggi ni Ace. Sumulyap siya saakin at ngumisi naman ako sa kaniya nang makita niyang ganoon ang reaction ko ay tinaasan niya ako ng kilay at biglang nagsungit nanaman ang pangit! Napahagikhik ako.
Pagkatapos kaming ma-hot seat ni Alas ay sa wakas natapos na din. Nasa office ni papa si tito Nikov. Sila mama at tita Dana naman ay umalis at magpapaspa daw.
Kaming dalawa lang ang naiwan sa table ni Alas.
"So...patay na patay ka pala saakin?" I smirked at him.
"Don't take it seriously." mariing umiling si Alas saakin at bumuntong hininga.
Pagkatapos ng ilang minutong katahimikan ay naalala ko na mukhang may lakad siya at mukhang importante iyon. Pero anong oras na. "Aalis ka pa ba?" tanong ko.
Hindi ko alam kung anong nakain ko o kung anong gayuma ang pinainom saakin ni Alas sa birthday niya kagabi pero iba na ang dating saakin ngayon ni Alas. s**t lang! Ang pangit pa din naman niya pero hindi ko alam kung bakit nag-iinit ako kapag nagkakadikit ang katawan namin.
We never had a physical contact before. Ayoko sa pangit kaya hindi ako dumidikit sakanya. Pero pagkatapos ng body shots na iyon...that's it! Ang pesteng body shots na iyon ang may kasalanan! f**k!
"Ireresched ko na lang ang meeting ko ngayon. Late na din naman ako at hindi na makakahabol." he answered.
Napatango ako. "Kung wala ka namang trabaho ngayon...samahan mo na lang akong magshopping. Treat mo ko tutal dahil sayo kaya naiistress ako ngayon." mataray na sinabi ko sa kaniya.
Hindi naman siya tumutol at sa halip ay tumango lang saakin.
Malapad akong napangisi at nauna ng lumabas sa dining area.
I have to f*****g figure out what is wrong with me right now. Or else...wala sa sariling nilingon ko si Alas. No f*****g way!
At habang hindi ko pa alam kung anong nangyayare saakin Alas needs to stay by my side.
Siguro epekto ito ng body shots na iyon. At hindi ako sanay na nadidikit kay Alas kaya siguro ganoon nagreact ang katawan ko.
But damn! Is that even justifiable!? Wala sa sariling napahinto ako sa paglalakad at may bigla namang nabunggo saakin sa likuran ko.
Hindi ko na kailangang itanong kung sino ang bumangga saakin dahil agad na may boltahe ng kuryente ang dumaloy sa kabuuan ng katawan ko na nararamdaman ko lang sa iisang lalaki.
ALAS!
"f**k!" I groan in frustration.
Inis ko siyang hinarap at napaatras naman siya ng makitang badtrip ako.
"Sorry. Bigla ka kasing hum---"
Ni hindi na niya nagawang ipagpatuloy ang sasabihin ng kabigin ko siya sa batok at walang pakundangang siniil ng halik.
It was a frustrated one. I was so clueless why I react this way. Alam ko namang may pagkamalandi ako pero may taste naman ako sa lalaki at last time I checked hindi pasok sa standard ko si Alas kaya what the hell is going on!?
Hindi ko naisip na papatol ako sa pangit na ito! Pero eto na nga! I initiated the kiss. And f**k! He's turning me on. Hindi pa ako nakatikim ng ganitong klaseng halik. Nakakaadik at nakakabaliw!
Parang may kung ano sa halik ni Alas...no...si Alas mismo ang nagpabuhay sa buong sistema ko.
Damn! Itong pangit na 'to! Hindi ko napigilan na sambunutan siya na may halong gigil at mahinang mapaungol habang patuloy pa din kami sa paghahalikan.
"Damn you, beast." namamaos na panlalait ko sakanya. Hindi ko naman siya narinig na sumagot dahil abala siya sa halikan namin.
He is making me out of control. Hindi naman ako basta-basta nanghahalik!
Ang pangit na ito! Ano kayang ginawa niya saakin!?
"Woah! Tirik na tirik ang sikat ng araw at nandito kayo sa labas naghahalikan!"
Gigil kong kinagat ang labi ni Alas bago kumalas sa halikan at nilingon ang mga bagong dati. Istorbo.
Inirapan ko sila."Nasa loob pa din naman kami ng gate ng bahay kaya walang masama doon!" pabalang na sagot ko.
"Damn! Is that really you, Belle?" si Neon na ngingisi-ngisi saakin.
"Obviously." sabay irap ko sa kaniya at nameywang sa harap nila.
"You're making out with Ace...maliwanag naman. I'm sure you know that it's Ace. And you two are kissing torridly."
"Whatever." inis akong napailing.
Naiinis ako dahil parang bitin. Kagabi pa ako nabibitin at hindi na ako natutuwa.
Hindi ba puwedeng masolo ko naman ang pangit na ito ng walang istorbo?
Shit!
What was I thinking? Oh God! Nababaliw na nga ata ako! I need to see a doctor!