Chapter 13 "Parang kelan lang wagas ka makalait at todo pandidiri pa kay Ace tapos ngayon kayo na."Margaux grinned at me. Pati na si Mishell na nakauwi na pala kahapon ay nakisali na din. "Sabi ko na e! Kayo din ang magkakatuluyan."komento ni Mishell na napapakamot sa ulo. Napailing na lang ako sa mga sinabi nila at muling binalingan ang baso ko na may lamang alak. Nasa bar kami ngayon. Nagyaya si Mishell at dahil matagal siyang nawala ay pinagbigyan ko na kahit wala naman talaga ako sa mood magbar ngayon. "Pero seryoso na ba talaga iyan?"nakangising tanong ni Margaux saakin. Sumulyap ako sakanya at napangiti bago dahan-dahang tumango. "I think we'll work out this time. Because I just realized that Alas isn't that bad after all."I smiled to myself. I enjoyed his company so much.

