DENZELL Matapos magising ni Reva, agad niyang pinatawag sina Averyl at ang mga kasamahan nito kinabukasan. Wala pa rin siyang sinasabi sa akin tungkol sa kondisyon na ipagagawa niya at kada tatanungin ko siya tungkol doon ay kakaibang ngiti lang ang ibibigay niya sa akin. Hindi ko tuloy mapigilang kabahan dahil sa inaasta niya. Knowing Reva, mahirap basahin ang mga binabalak niya. “Ang tagal naman nina Cleon bumalik,” aniya. Nakahiga pa rin siya sa kwarto niya rito sa infirmary dahil may iniinda pa siya sa kaniyang likod pero sabi naman ni Earth ay hindi na ‘yon magtatagal. “Patience. They’ll be here any minute,” ani Circe at saka ibinigay kay Reva ang hiniwa niyang mga prutas. “Kumain ka na muna.” I heard Reva hissed. “Masyado n’yong iniinda ang lagay ko. Hindi ko naman kailangang

