CIRCE Dito na natulog si Denzell sa kwarto namin. Labag ito sa panuntunan ng Academy pero ayaw talaga niyang iwan ang kapatid niya dahil kada gagawin niya raw ‘yon ay may nangyayaring masama kay Reva and so he stayed. Wala namang kaso sa amin dahil kapatid naman ni Reva si Denzell at kung masamang balak lang din ay malinis na tao naman si Den. Siya na rin ang umasikaso ng agahan namin no’n kaya nagising kami ni Reva na halos kakain na lang at maghahanda para sa panibagong araw sa Academy dahil tuloy-tuloy pa rin naman ang pagfafacilitate namin sa mga trainings despite of what happened. Marami siguro ang nagtataka sa nangyari sa gubat, lalo pa’t marami-rami rin ang nakakita no’n at ang tsismis naman ay madaling kumalat. For sure, they’ll assume about what really happened lalo pa’t tahimi

