"SAAN ka galing babae?" bungad na sigaw ni Claire nang makapasok si Julieanne sa loob ng unit nila. Nakamaywang pa ito at nakataas ang isang kilay. Nilampasan lang ito ni Julieanne at naglakad paalis sa harapan ni Claire. "Tinatanong kita, ah! Sumagot ka!" pahabol na sigaw pa din ni Claire. Nilingon ni Julieanne ito at nilapitan. "Pakialam mo ba kung saang lupalop ako nagpunta! Hindi ko kailangang ipaliwanag sayo isa isa ang lahat ng ginagawa ko!" galit na sagot ni Julieanne. "Marunong ka ng sumagot! Sinong pinagmamalaki mo? Pinakasalan ka lang naman ni John dahil sa mana niya hindi dahil mahal ka niya. Ako, ang mas may karapatan kay John dahil may anak kami." "Sige, isaksak mo siya sa baga mo! Bagay naman kayong dalawa dahil pareho kayong mga walang kwenta at manggagamit!" "Bawiin

