NAKAALIS na si Clay ng bansa. Habang si John ay kinausap ang doktor ng anak. He needs to do all that can cure Jillian. Para sa pamilya nila ni Julieanne. He can't afford to lose someone in his life again. Kasama ni John sina kambal at ipinasyal niya sa theme park. Masayang masaya ang dalawang bata. Hindi halata na maysakit ang isa sa kanila. Pinagtitingnan sila ng mga tao sa park dahil namumukhaan nila si John. Wala naman iyon sa kanya dahil ang importante ay ang mga anak. "Tatay, gusto ko pong sumakay sa merry go a round," request ni Jellian. Napatingin si John kay Jillian. "Do you want also, baby?" tanong ni John kay Jillian. Umiling ng ulo si Jillian at humawak sa kamay ng ama. Medyo ilap pa rin ito sa ibang tao pero medyo bumubuti na ng kaunti ang kalusugan nito. "Okay," sagot ni

