Ang Pamamanhikan IT'S Sunday, kagaya ng napag usapan ay umuwi muna ang mag iina sa kubo nila sa bukid. Unang araw nila Julieanne, Jane at Alicia sa kubo nila pagkatapos ng ilang buwang pagtira sa mansyon ni Juan Miguel. Kagabi pa sila na andoon at doon sila nagpalipas ng gabi. Ang ganda ng sikat ng araw mula sa malaking palayan na dating sinasaka ng Papa ni Julieanne. Ang sarap pakinggan ng mga ibong humuhuni at ang lilim sa ilalim ng mga puno na pahingahan nila Jane at Julieanne nuon. Ang sarap balikan noong mga araw na masaya pa silang buong pamilya. Kompleto at kasama ang Papa niya. Mamayang gabi pupunta ang mga Samson para pormal na hingin ang kamay ni Julieanne sa Mama niya. Walang pagsidlan ang saya sa mukha ni Julieanne na iniisip ang mangyayari mamayang gabi. "Ate, mag almusal

